- Flashback -

2.3K 17 0
                                    

"hold my hand, Mikhs!" I can sense yung takot nya as she calls my name.

"wait!"

"don't let go..."

Slowly, I opened my eyes. Ramdam ko parin yung takot, cold breeze of air flushing inside me -- leaving this unexplainable feeling. Empty, broken and lost.

- Mikha -

Pilit kong minulat ang aking mga mata. Every day, eto na naging routine ko. Araw-araw nagigising sa isang bangugot na di ko maalala.

May mga araw na I'll find myself crying pagka gising ko. It's as if I am losing someone or something so dear to me na unti unting nawawasak ang aking puso habang pilit kong inu-unawa kung bakit o pano sya nawala.

I tried to remember it, I tried to go back. As I tried so hard to remember everything, my head starts to react. As if alam nyang may bubuksan akong memoryang ikakasira ko.

*riiiiiiing*

Napangiti naman akong tignan yung cellphone ko. *Colet calling*

"Hoy! Piskit ka! Kanina pa ako tawag ng tawag. San ka na ba at late ka first day of school?" Sigaw nito sa kabilang linya.

"Ang aga aga, ingay neto. On my way na." Kalmado kong sagot.

Nga pala, first day of school. Kakaumpisa palang ng araw ko, sermon na agad yung bungad ng best friend kong si Colet.

It's been 2 weeks na rin since naka balik ako from US. I was 10 when we moved. My family had our business launched internationally and due to busy schedules, we need to leave Philippines.

According to my Mom, mas mabuti na din daw malayo ako sa mga bagay na makakasakit lng sa akin.

I was drowned with my own thoughts when I felt someone hugged me from behind and then I felt a peck on my cheeks.

"Mom!"

"Kanina pa kita tinatawag Mikhaela, naka tulala ka lng dyan. Are you ok ba?" Alalang tanong naman ni Mom.

"I'm ok ma" sambit ko habang abalang namimili ng susuotin ko for my first day of school.

I took whatever shirt I grabbed on first then my cargo pants and a pair of jordan. I chose to partner this with my varsity jacket na din and prepared my sunglasses to protect my eyes sa sinag ng araw. I just want to dress comfortably since first day of school pa lang naman.

-----------------

"Mikha!" malayo palang ay dinig ko na ang sigaw ni Jhoanna.

Pinark ko muna ng maayos yung sasakyan ko at saktong pagka baba kay bumungad naman sa akin ang tatlo kong matatalik na kaibigan sina Colet, Jhoanna at Gwen.

Magka kilala na talaga kaming tatlo at kahit na nag move ako sa US di nawala yun communication namin with eah other. Business partners din kasi namin ang kanya kanyang pamilya at paminsay binibisita nila ako sa US.

"Sorry, I'm late. Naninibago pa body clock ko eh" napakamot nalang ako ng batok ng makita kong bored na bored na sila kakahintay sakin.

Ang usapan kasi ay dapat 6:30am nasa campus nako para ma tour nila ako sa mga classrooms ko at sa university.

Sabay naman na kaming apat tumungo sa hallway para hanapin yung room assignments ko.

"Tara na, we still have time pa para mag libot."

Nauna ng mag lakad sina Gwen at Jhoanna. Habang si Colet naman ay walang tigil sa kwento ng kung ano ba ang dapat kong abangan sa University nila.

"Alam mo Mikhs, cheer up. Nasa pinas ka na at last. Malay mo mahanap mo na yung mystery girl sa mga panaginip mo" Colet just flashed a small smile giving me assurance na magiging okay din ang stay ko dito.

Lost Star | MekayaKaBa? Mikhaiah AuWhere stories live. Discover now