- Hide and Seek -

498 12 2
                                    

-Colet-

Nakita ko yung car ni Mikha na naka park pero di ko siya mahagilap. I need to talk to her pa naman dahil malapit na yung anniversary namin ni Maloi and kailangan ko yung tulong niya for the surprise that I am planning.

Kasama ko ngayon si Gwen at Jhoanna. Si Mikha nalang talaga yung kulang. San ba kasi nag susuot yung batang yon?

"Uyab! Nakita mo ba si Aiah?" tawag sa akin ng girlfriend ko habang papalapit.

Matic naman na pinulupot ko ang aking braso sa beywang niya at binigyan siya ng side hug.

"Hindi ko napansin mahal. Busy din kami kakahanap kay Mikha. Piskit talaga na batang yon!" na iinis na ako dahil ang dami ko nang chat, text at tawag. Patay ka sakin mamaya.

"Kalma lang, Colet. Baka natutulog na naman yun kung saan saan. Na check nyo na ba yung library?" tanong ni Gwen.

 

"Yes. Negative" sagot ko.

 

"Dun sa malaking puno malapit sa football field? Yung may mga tables at bench?" Dagdag naman ni Stacey.

"Dun ako galing, walang Mikha Lim na natutulog dun." wika ni Jho.

"But I saw Mikha's car sa parking area. So andito lang yun for sure. Baka may ka chuckchakan na fangirl??" nanlalaki pa ang mata ni Sheena na parang ini imagine.

"Imposible. Magaling lang magpakilig yung bestfriend ko pero di nyan kaya lumandi, tiklop yan." natatawang tugon ko.
 

Andito kami ngayon sa hallway ng building B. Papunta kami ng council office since hinahanap din namin si Aiah. Di naman nakatakas sa akin yung mga tingin ng students na nadadaanan namin. May kumindat pa talaga sa akin. Mapapatay ako nito ni Yves eh.

Papalapit na kami ng office ng makita ko si Aiah sa hallway naglalakad mag isa. Tinawag ko ito ngunit hindi lumingon kaya hinawakan ko na sa braso upang iharap.
  

 
 
"Aiah, nakita mo ba si Mikh --- ay sorry!" nagulat ako ng humarap yung babae. Hindi pala to si Aiah....pero magkapareha yung katawan nila, buhok at kahit na yung ngiti niya. Mapagkakamalan mo talagang si Aiah eh.

"Hi!" bati naman ng babae sakin. 

"Sorry, miss. Akala ko kasi kaibigan ko." tumabi naman ako agad kay Maloi. Iwas away par.

"It's okay. I'm Jazz nga pala, aren't you friends with Mikha Lim? Yung red haired volleyball player?" tanong naman nitong Jazz.

"Yes! Nakita mo ba si Mikha?" tanong naman ni Jho.

"Nope eh. Pero classmates kami kanina. Nagmamadaling umalis after kami na dismiss ng prof namin." sagot naman niya at umalis na rin.

Tahimik lang kaming naglalakad patungong council office. Andito kami sa tapat ng stairs nang madinig ko ang isang pamilyar na tawa. Napalingon naman ako sa taas ng hagdanan at gulat akong niluwa nito si Mikha, naka bungisngis ito at halatang tuwang tuwa sa kasama nito ---- si Aiah.

"Hoy Mikha Lim! Ate Aiah! Magkasama lang pala kayo. Halos nalibot na namin yun buong campus kakahanap sa inyo ah." sigaw naman ni Stacey.

Habang sila ay abalang pinapagalitan si Mikha, hindi nakalampas sa akin ang biglaang pag kalas ng mga kamay ni Mikha at Aiah. Parang ako lang yung naka halata ah.

Nakita ko pang pasimpleng kinurot ni Aiah ang tagiliran ni Mikha habang silang dalawa ay nag pipigil na lumabas yung mga ngiti sa labi nila. Napapasingkit yung mata sa dalawang to.

Lost Star | MekayaKaBa? Mikhaiah AuWhere stories live. Discover now