- Boomerang -

155 7 0
                                    

-Aiah-

Di ko namalayang naka tulog na pala ako kakaiyak kanina nang magising ako sa mga katok mula sa pinto.
 
  
  

"Beh, gising na. Pakibuksan ako please." I can hear Maloi's muffled voice sa labas ng room.
  
  

Tumayo naman ako at pinagbuksan siya ng pinto.
   
  

"Hala beh! Anyari sa mata mo? Bat namamaga?" alalang pumasok si Maloi kasama si Colet sa kwarto.



"Ok ka lang, dai?" tinapik naman ako ni Colet at hinawakan yung noo ko to check.
  
  

"Hindi ka naman mainit."
   
  
  

"Cols...si Mikhs? Saan?"
   
  

Takang napatingin sa akin silang dalawa.
 

"Narinig ko yung pinag usapan nyo kanina sa kusina. H-hindi ko alam anong mararamdaman ko." di ko na kinaya at niyakap ko si Maloi at ibinuhos yung mga luha ko.
 
  
  

"Kaya nga sana kami nandito eh. Alam mo na pala." mahinahong tugon naman ni Colet habang hinahaplos ang likod ko upang patahanin ako.
 
  
  

"Sobrang nasasaktan ako, Loi. Na g-guilty ako sa lahat nang nagawa ko sa kanya. Hindi niya deserve yun. Gusto ko sanang mag explain ngunit natatakot ako." patuloy na iyak ko.

 
 

"Nasaktan ka rin naman, Aiah. Kilala ko si Mikha. Alam kong makikinig yon. Hanap lang tayo ng timing." wika ni Gwen na hindi ko napansing nandito rin pala.

  
 

"Ngayon at alam mo nang hindi naman pala mag on si Kathy at Mikha, mas may chance na baka pwede ninyong mapag usapan yong sa inyong dalawa, ate Aiah." dagdag pa ni Sheena.

 
   

"Agree ako dyan. Wag nang hintayin si destiny. Tayo yong gagawa nang paraan upang maka pag usap kayong dalawa." -Stacey


"Pero hinay hinay lang girls. 7 years din nating hindi nakasama si Mikhs, di tayo sure kung gaya pa din ng dati yung magiging reaksyon niya. Baka. may ma trigger tayo at bigla na naman tayong layasan nun." paalala naman ni Colet sa kanila.

 
 

"Thank you, girls. Basta maka-usap ko lang siya....yun yung mahalaga. Malaman niya man lang yung totoo. Kung ano man yung maging reaksyon niya, tatanggapin ko."

 

"Wag kang mag alala, Aiah. Ramdam kong siya parin yung dating Mikha. Siguro nga nasaktan siya kaya parang may nag bago, pero hindi nagsisinungaling ang mga mata." makabuluhang tugon ni Jhoanna.
 
 

Nanatili muna yung girls sa room ko bago namin napagpasyahan na bumaba na. Kahit namamaga pa yung mata ko, binalewala ko nalang. Sasabihin ko nalang na may allergy ako.

---------------------

"Girls, ok lang bang mag bar tayo mamaya? Uuwi na rin kasi bukas si Kath at sakto namang soft opening ngayon ng bar ng friend ko." pag-aaya samin ni Mikha.

 

"Sige bai, game kami diyan!" excited na sagot ni Colet.


"Ok ka lang, Aiah? Bat parang namamaga yung mata mo?" lumapit si Kathy sa akin at tiningnan yung mga mata ko. "Hala! Bat ang pula?"

 
 

"A-ah. Baka allergy lang, Kathy. Wala to." naiilang na sagot ko nang makita kong napatingin sa akin si Mikha.

"Allergy? Saan? Hindi ka naman allergic sa beef steak ah? May gamot ka ba?" sunod sunod na tanong ni Mikha na bakas naman ang pag-aalala sa mukha nito dahilan upang mapalingon kaming lahat sa kanya.

Lost Star | MekayaKaBa? Mikhaiah AuWhere stories live. Discover now