- Secrets -

154 7 0
                                    

2 days before Championship games

-Colet-


Pauwi na kami after tumambay sa school. Pina una ko na si Maloi sa kotse dahil naiwan ko yung tumbler ko sa council office.



Wala naman kaming masyadong class kanina dahil papalapit na ang finals and tumambay naman kami sa council office para tulungan sila Aiah and Maloi sa mga council duties nila.



Nagpa iwan naman si Aiah sa office at may tatapusin pa daw siya. Nasa tapat na ako ng council office nang may marinig akong kausap ni Aiah. Boses ng isang lalaki.





"How many times have I told you na 'hwag dito. You could have just texted me if gusto mong pakipag usap." wika ni Aiah na halatang iritable ito.



"I know, Ai. But lolo wants to see you, I missed you too rin kaya pinuntahan na kita dito ng personal." medyo mahina yung boses pero alam kong lalaki yung kasama ni Aiah.




"Akala ko ba clear na tayo sa kung ano tayo ngayon?" mahinang sabi ni Aiah pero enough para madinig ko.






"Yes. I know. Pero I want to show you my love for you, Ai. Sige na....I'll get going na, lolo's waiting." paalam nung kausap ni Aiah.





Dali dali naman akong nag tago sa isang vacant room katabi ng council office at sinilip kung sino yung lumabas.







Jeremy






Nag hintay muna ako ng 5 minutes bago pumasok ng office. I even jogged in place para medyo pawisan ako. Hindi na ako kumatok at diretsong pumasok na.







"Hi Aiah! Naiwan ko pala tumbler ko." kunyari ay hingal ako galing pag takbo.






Halatang nagulat naman si Aiah sa biglaang pag pasok ko.







"C-colet? Kanina kapa diyan?" halatang kinakabahan na tugon ni Aiah.






"Ah, hindi naman. Tinakbo ko actually galing parking lot kasi hinihintay ako ni Maloi. Di ka pa ba uuwi?" tanong ko naman.






Napansin kong di mapakali si Aiah at panay ang sulyap sa naka awang na pinto ng office. Sinundan ko naman ito ng tingin.





"May hinihintay ka ba Aiah? Susunduin ka ba ni Mikha?" alam ko naman na hindi masusundo ni Mikha si Aiah ngayon dahil may practice pa ito. Tinatansya ko lang yung reaksyon na makukuha ko kay Aiah.





Umayos naman ito ng upo at bumalik sa pag susulat.





"Wala naman, Cols. Mikha is busy kasi eh, namimiss ko lang yung mga biglaang pag sulpot niya dito sa office." wika niya habang di ako tinitingnan.





Nagpa alam naman na ako kay Aiah at tumungo na sa parking kung saan nag hihintay si Maloi.





"Bat natagalan ka, uyab?" tanong ni Maloi habang kinakalikot yung radyo ng kotse ko.






"Ah. Nag stop kasi muna ako. Pinulikat lang." pagrarason ko.





Habang nagmamaneho, di mawala sa isip ko yung nakita ko sa council office kanina. Habang naka hinto ang sasakyan sa stop light, hinarap ko si Maloi at baka maka tulong siya sa mga tanong na namumuo sa isip ko ngayon.






"Ga, diba matagal na kayong friends ni Aiah? Naka ilang nobyo na ba siya?"





"Since grade 4 friends na kami, Ga." nag isip naman ito ng mabuti "so far....wala pa namang naging nobyo si Aiah. Suitors madami." wika nito.



"Ah. Ganon ba. Eh yung si Jeremy, kilala mo din ba dati pa?" tanong ko ulit.





"Mas nauna siyang naging friend ni Aiah. Business partners ata yung lolo ni Jeremy at yung family nila Aiah. Bat mo natanong, Ga?"






Nag iisip pa lang ako kung sasabihin ko kay Maloi yung nakita ko kanina ng biglang nag green yung light.






Di na rin ako nagkaroon ng time na tanungin ulit si Maloi dahil na idlip na ito. Halatang pagod dahil sa council duties nila.


-------------------




Ngayong araw yung finals nila Mikha at syempre bilang supportive bestfriend, 2 hours before the game ay andito na ako sa coliseum.






Mas na una talaga akong dumating dahil chi-neck ko si Mikha kung kompleto na ba yung gamit niya. Pa cool lang kasi tong Mikha Lim na to pero gustong gusto niya yung bini-baby.

Lost Star | MekayaKaBa? Mikhaiah AuWhere stories live. Discover now