- Fake Mikha -

504 12 1
                                    

-Jeremy-

My phone is ringing for the effin 19th time. It's lolo and di ko alam kung anong sasabihin ko sa kanya. Palpak na naman ang apo mo.



I'm here sa court still thinking things through. I saw Mikha and Aiah kissed sa ball park. Sabi ko na nga ba at problem yung dala ni Mikha. Bakit ba kasi bumalik pa to?




I was already living my best life being Aiah's bestfriend and saviour. Pero simula nung bumalik yung Mikha Lim na yan, nagka leche leche na yung plano ko.




Kung hindi lang ka lang sana bumalik, edi sana baka napapayag ko na si Aiah na maging girlfriend ko.






Simula palang talaga nung bata tayo, inaagaw mo na siya sa akin. Pati ba naman ngayon? Hindi ako papayag.




My phone rang and again, it's lolo. I know I can't escape him so I answered it. 





"Yes po, lo. I'm going home na po." 

--------------



Sinalubong ako ng mga maids when I got home. 





"Sir Jeremy, hinihintay ka na po ni Don Ramon sa office niya." bati sa akin ng isang katulong. 






"Paki sabihan na lang na maliligo muna ako." Walang ganang sagot ko. 






Pagkatapos kong maligo ay tumungo na ako sa office ni lolo. I took a deep breath bago kumatok. 






"Sir, good evening. Tawag nyo daw po ako." I stood straight as if I am facing my commander. 






"Jeremy. Sit down." he said with a very serious tone. 






"So, Marco --- ano na ang game plan ngayong pumalpak na naman itong magaling kong apo?" Lolo asked his secretary while dinidiin pa ang salitang 'magaling'. Sanay naman na ako sa pang iinsulto niya.






"Sir, instead of the Arcetas bakit hindi nalang yung mga Jimenea?" tanong naman ni Marco. 





Lolo shook his head. 






"No, not the Jimeneas. Their time will come. The Jimeneas and Lims are at the top. Let's say the most elite family in the business world. I need the Arcetas to take them down."






"Kung di ba naman kasi pumalpak itong si Jeremy, hindi na sana natin kakailanganin yung mga Arceta." dagdag naman ni Lolo.






"Sir ---- hindi naman po kasalanan ni Jeremy na hindi siya nagustuhan ng tagapag mana ng mga Jimenea." Marco trying to defend me.






"And are you telling me na hindi niya rin kasalan na hindi siya magustohan ni Aiah Arceta?" Natatawang tanong naman ni Lolo.






"Tell me, Jeremy ---- ano bang pinag gagagawa mo at bakit hinding hindi mo makuha yung loob ni Arceta? Hindi pa ba sapat yung pinag mukha ka naming tagapag ligtas niya dati kahit ikaw naman talaga ang may kasalan?" Lolo walked towards me and I can feel na super disappointed na naman siya.





"I will try to get her, Lo. Just give me time. I got something in plan na but I need the right timing para ma execute ito." Giving him the assurance.





"Bakit kasi hindi ka tumulad sa kuya mo? Tandaan mo, pag naka uwi na si Justin at hindi mo pa rin nahihingi ang kamay ni Aiah, you will be kicked out of this family! Walang lugar ang isang bastardong Glinoga sa pamamahay ng mga De Dios!" napapikit nalang ako sa mga sigaw ni Lolo.





Alam ko naman na mula noon, hindi na ako tinuring na totoong apo ni Lolo. Nang ikasal si Mama sa unico hijo ni Don Ramon De Dios biniyayaan sila ng isang napakabuting anak na lalaki -- si Kuya Justin.





Mabait naman si Kuya sakin kahit bastardong anak lng ako ni mama --- nabuntis siya ng driver namin. Hindi ako pinabayaan ni Kuya noong andito pa siya. Pag pinag iinitan ako ni Lolo, andyan palagi si Kuya para ipagtanggol ako. Kapag may mga worries naman ako, si Kuya din yung takbuhan ko.





Lost Star | MekayaKaBa? Mikhaiah AuWhere stories live. Discover now