-Aiah-
Hinang hina akong napaupo sa couch after lumabas ng mga doctors. Hindi naman ako kasali kanina sa kaguluhan ngunit parang ako yung pagod na pagod.
I glanced at the hospital bed. Mikha is safe, hindi namin alam kung ano yung nangyari kanina but her vitals suddenly crashed but she fought back. Awang awa na ako sa kanya. Until now, hindi pa rin siya nagigising.
"Beh, kalmahan mo lang. Magiging okay din lahat. Magigising din si Mikha." wika ni Maloi while comforting me with her slow strokes on my hair.
I let out a deep sigh and looked back to where Mikha is peacefully sleeping.
"Andami nang nakakabit na kung ano-ano sa kanya, Loi." di ko mapigilang maluha.
"Shhhh. Tahan na, Aihks. Kaya yan ni Mikhs. Nararamdaman ko, babalik siya." tugon ni Colet.
I gathered all my strength and lumapit ako sa kanya. Ang bigat ng bawat pag hakbang ko, nahihirapan akong nakikitang nahihirapan si Mikha. I knelt beside her and held her hand.
"Love...alam kong naririnig moko. Nakita kita sa panaginip ko love, ano ba yun? Anong gusto mo? Kaya pa ba? O pagod ka na? Isang sign naman dyan love oh. Promise, tatanggapin ko ng buong puso kung ano man ang gusto mo." iyak na pakiusap ko sa kanya.
Alam ko naman na hindi niya ako naririnig ngunit gusto kong malaman niya na alam ko.....alam kong nahihirapan siya. If yung dream ko ang isang way para sabihin niyang gusto niya nang bumitaw, na andiyan lang siya para gabayan ako palagi, tatanggapin ko yon. Alam kong masakit pero handa akong bitawan siya, kakayin ko...I just don't want her to suffer anymore.
Lumipas ang ilang araw at linggo, hindi parin gumigising si Mikha.
"Ate Aiah, pahinga ka na muna. Napapabayaan mo na sarili mo oh." alalang tugon ni Sheena sa akin.
Andito kami ngayon sa condo habang nag aayos ng ilang gamit na dadalhin ko sa hospital.
"Okay lang ako Shee. Medyo kulang lang sa tulog. Pero nag file na din ako muna ng leave sa work. Gusto kong mag focus kay Mikha." sagot ko.
"Aiah, pahinga ka na muna. Mag bibirthday ka na oh, tapos haggard ka." wika ni Gwen na halatang nag aalala rin.
"Okay lang ako, girls. Ayoko lang ma miss na baka gumising si Mikha at wala ako."
Nga pala, nung isang araw daw kasi, gumalaw ulit yung kamay ni Mikhs at sabi ni Stacey, nakita niya daw na dumilat yung mata ni Mikha. Sandali lang yon at pumikit siyang muli. Kaya eto ako, nag desisyon na huwag na munang umuwi at mag bantay kay Mikha 24/7.
Pagka dating namin sa ospital, sinalubong kami kaagad ng pagka daming body guards sa reception area.
"Anong meron?" Tanong ni Stacey.
"Baka may VIP na naka confine. Hanep, daming body guards ah." Dagdag pa ni Jho habang pasimpleng pinagmamasdan ang mga body guards na naka kalat sa hospital.
Habang papalapit kami sa room ni Mikha, hindi ko maintindihan ang aking nararamdaman. Para akong mahihilo, na parang nanghihina. Sumisikip ang dibdib ko.
YOU ARE READING
Lost Star | MekayaKaBa? Mikhaiah Au
FanfictionMikha Lim, desperately looking for the mystery girl on her dreams stumbled upon a confused Aiah Arceta. Can they find their way to each others arms? Baka naman pinagtagpo lng sila para buohin ang isa't isa ngunit nakalaan pala para sa iba? This is...