*
Para akong lumulutang sa ere habang papalabas ng kompanya. Ang gaan ng mga binti ko at feeling ko hindi ko ramdam ang mga ito bawat hakbang. Hindi ako makapaniwala sa eksena ni Azalea kanina lalo na at biglang hinimatay ang kanyang ina matapos inamin may relasyon kami.
"Rhea," Boses ni Aza at hinaplos ako sa braso.
"Aza, maling mali ginawa mo kanina. Paano mo yun nasabi kung hindi totoo relasyon nating dalawa? Kung siguro ou edi sana inamin ko kaagad bago ka pa man dumating. Paano pag balikan ako ng parents mo?" Ayaw ko na mag pasikot-sikot at kailangan kong ayusin tong gulong ginawa nya.
"Didn't you say you like me?" hirit sa akin, sasagot sana ako kaso napagtanto ko ang sinabi niya.
"Ha? Sino nagsabi?" Inosente kong tanong, wala akong sinabing ganyan no.
Bigla niya inangat ang selpon at nagulat ako nang marinig ang boses ko, ito yung kausap ko si Olivia kanina. Iba talaga magkapatid na to at mauutak, mga traydor. Hindi nalang ako umimik at kinarga si Lilith na nalilito sa pinag uusapan naming dalawa.
May biglang pumarada na sasakyan sa aming harapan-teka nga, sasakyan ba to? Hindi ko alam kung sasakyan ba to ni Optimus Prime dahil sa naka customized.
"Get in." Boses ni Aza at umikot saka pumasok sa driver's seat.
Papasok na rin sana kami ni Lilith ngunit paano ko bubuksan? Hinanap ko yung door handle pero wala? Hirap naman maging ignorante at di ko alam paano buksan.
"What's the problem?" Bumaba ulit si Aza,
"Hirap maging mahirap men, paano ba buksan to? Kailangan ko ba sumigaw ng open sesame? O Darna?" Tanong ko. Inikutan ako ng mga mata at bahagyang tinulak palayo.
"This is how you open it. I'm sorry you're not yet registered in the fingerprint system, so you can't open it. We'll set it up later so you can have access to the cybertruck." Very amazing naman sasakyan na yan at bumukas. Sosyal ni anteh, di-fingerprint sasakyan.
"Kahit wag na." Huwag ipalahatang excited at lumalaki na ulo nya.
"Sa likod ka Lilith, halika."
Pagtingin ko palang sa loob pakiramdam ko masasakal ako sa init ngunit mali pala dahil kabaliktaran. "Aza, baka may balak ka hinaan konti aircon? Hindi ka ba nilalamig?" Nipis kasi masyado ng suot ko samantalang siya balot na balot dahil sa long coat na suot.
"Oh, sorry." Sheesh, bait naman kahit tinarayan.
Gusto ko malaman ang totoo bakit niya sinabi sa mga magulang yun pero sa tuwing nag tatanong ako sinasabihan kaagad ako na manahimik dahil nagmamaneho siya. Hindi pwede sumagot kahit nasa kalsada atensyon ng mga mata? Bakit? Bibig ba ang nakahawak sa manibela? Gusto ko sana yan sabihin kaso baka tuluyan magalit kaya nanahimik nalang ako.
"Who was the woman you were with at the pool?" Tanong ni Aza sa kalagitnaan ng katahimikan.
"Babae?" Baling ko.
"I didn't say it was a man, did I?" Nakakagulat naman ang bigla nyang pagiging mataray, may ginawa akong dahilan upang ikagalit niya?
"Pilosopa. Tinatanong ko kung sino?" wag nya ako ma ganyan-ganyan, hindi porket crush ko magpapa under ako.
"Aza, nagseselos ka ba? Kung magalit ka kasi dahil lang doon daig mo pa totoong girlfriend. Selos ka? Wag mag-alala, ikaw parin nag iisang crush ko." Sunod kong sinabi.
"I'm not jealous, I just want to remind you that we have a month-long agreement, and during that month, you're not allowed to flirt with anyone else." Galit nga si anteh at bigla bumilos ang takbo nang sasakyan.
