-
"Pst, bilib ako sa ginawa mo kay Jimbo." Kakatapos lang ng klase ko kay Ines at biglang dumikit tong isa sa mga kaklase ko, tangenang 3hrs discussion yan.
"Jimbo?" Curious kong tanong.
"Kalaban mo sa debate kanina, class president namin last school year." Kaya pala mayabang at feeling superior si totoy.
"Jimbo? Di nalang ginawang Majimbo ng nagpangalan sa kanya?" Tumawa ito ng malakas kaya pinagtitinginan kaming dalawa.
"I'm sorry, ngayon lang ako naka encounter ng tulad mong hindi takot sa kanya." Sino ba yun para katakutan? Di nga ako takot makipag patayan sa arena, sa kanya pa kayang estudyante lang?
"Suntukan kami." Umalis agad si Majimbo kaya hindi ko na tuloy nakausap. Itong kaharap ko naman walang ginawa kundi tawa nang tawa.
"Hindi ka natatakot?"
"Bakit ako matatakot? Kilalanin niya muna ako." Sino ba to, di kami close.
"Sorry, my name is Vinalyn." May balak pa pala magpakilala.
"Rhea-"
"Since class is already over, might there be some reason as to why you are loitering here and not proceeding to your subsequent lesson?" Biglang singit ng akala ko'y kanina pa umalis, sisingit bigla di naman siya kausap.
"Isa lang klase ko sa umaga." Sagot ko.
"And you?" Tanong nito sa katabi ko.
"Wala na rin po ma'am, mamayang hapon pa susunod na subject." Same kami? Ay bobo malamang same kayo.
Walang pasabi at umalis bigla si Ines, wala na rin akong gagawin kaya hanap nalang muna ako matatambayan. "Magkakilala kayo ni ma'am?" Tanong ulit ni Vinalyn,
"Hindi." Sagot ko.
"Talaga? Kasi unang beses ko nakita ganun si ma'am." Tumingala ako at binigyan siya ng nagtatanong na ekspresyon.
"Kasi hindi naman nakikipag-usap si ma'am sa estudyante, labas nalang kung related sa subject niya." Sagot niya.
"Kinausap ka rin naman nya?" Tanong ko pabalik.
"Ou, kasi una kang tinanong ni ma'am." Anong konek non sa sinasabi niya?
Umiling ako. "May maganda ba tambayan sa campus?" Tanong ko.
"Marami, pero gusto ko mag swimming. Gusto mo sumama?" Balak nya pa mag swimming sa ganito ka init na panahon?
"Init-init ng panahon." Sagot ko bago lumabas ng classroom kasabay siya.
"May indoor pool ang criminology." Mabilis ko itong nilingon, kasi bigla ako naging ignorante sa narinig.
"Talaga?!" Frustrated ako sa naging debate kanina at need ko magpalamig. Hindi pa rin nawawala inis ko sa Majimbong yun.
"Ou, pero may swimsuit ka?" Yun lang, wala akong dala kaya umiling ako.
"Meron akong extra, medyo malaki sa akin kaya hindi ko pa nasuot. I'm sure kasya sayo yun, tara?" Kaagad kong inakbayan si Vinalyn.
"Tara!" Excited kong sagot at agad kami nagtungo sa indoor pool.
Nabuang na, bakit ako iniwan ni Vinalyn mag-isa sa dressing room? Alam niyang first day ko rito at wala akong kilala kahit isa sa mga estudyante. Sa sobrang sexy nitong binigay nyang one-piece na swimsuit halos lumuwa mata ko, one strap tapos open both sides ng waist ko at hindi ko alam anong tawag dito kasi first time ko magsuot ng ganito. Ang masasabi ko lang ay sobrang sexy ko, maganda katawan ko at matangkad kaya alam kong pagtitinginan ako. Thankfully ay may nakita akong tuwalya at ginamit yun sa katawan ko bago pumunta ng pool.
