-
Narito ako ngayon sa opisina ni Amour matapos ihatid ang mga bata sa eskwelahan. Isang linggo na ang lumipas mula nang muli akong bumalik sa katawan kong ito. Nakakatawa kasi hindi ko talaga planong bumalik, pero sa tindi ng bugso ng damdamin ni Red, tila napilitan akong gawin ito. Wala pa akong sinabi sa iba, maliban kay bebelabs—sinabihan ko siyang huwag muna ipaalam sa iba, gusto ko kasi silang sorpresahin.
Nakaupo ako sa swivel chair ni Amour habang siya naman ay nakatuwad, abala sa kung anuman ang hinahanap niya sa ilalim ng mesa. Napailing ako habang tinititigan ang suot niyang maikling skirt. Napakagat ako sa labi bago itinaas ang kamay at malakas na pinalo ang kanyang puwet.
Napasinghap si Amour, bahagyang napaungol sa gulat bago agad tumayo nang matuwid at tinitigan ako ng may pagtataka. Ilang saglit lang at isang pilyong ngiti ang gumuhit sa kanyang labi. Walang pasabi siyang kumandong sa akin, ipinalupot ang kanyang mga braso sa aking leeg.
“Damn, Darling, welcome back.”
Nanlaki ang mga mata ko bago ako tuluyang humagalpak ng tawa. “P-Pft! Iniisip ko palang nga kung paano sasabihin ay alam mo na kaagad! Paano?” Hindi ko mapigilang matawa nang malakas. Hindi ko inaasahan na gano’n lang niya ako kadaling mabubuko.
Ang mga daliri niya ay gumapang sa batok ko habang ang mga mata niya ay nanunukso.
“Of course, Red has never been rude to me, not even once. You know, she's the complete opposite of you— she's actually quite shy.” Pabulong niyang sabi bago dahan-dahang inilapit ang kanyang mukha.
Napangisi ako, sinasabayan ang laro niya. “Oh? Anong binabalak mo?” Hindi siya sumagot, bagkus ay dahan-dahang inilapit ang kanyang labi sa akin. Pero bago pa ito magtagpo, biglang bumukas ang pinto ng opisina.
“Boss, nandito na po ‘yung mga—”
Natigilan ang assistant ni Amour sa eksenang naabutan niya. Nanlaki ang kanyang mga mata, halatang hindi alam kung magpapatuloy o magpapanggap na walang nakita. Agad akong natawa habang si Amour naman ay napairap bago bumaba mula sa pagkakakandong sa akin.
“My God, Jamie, ano na naman?!"
Namutla ang assistant bago ibinalik ang propesyonal niyang postura. “May mga bisita po kayo sa conference room, hinihintay kayo.”
Napabuntong-hininga si Amour bago lumingon sa akin. “Duty calls, darling.”
Ngumiti ako. “Go, handle your business. Huwag ka mag-alala, hindi na ako aalis.”
Napangiti siya, sinipat ako mula ulo hanggang paa bago lumapit ulit, mabilis akong hinalikan sa pisngi, at saka bumaling kay Jamie.
“Sige, let’s go.”
Habang palabas sila, hindi ko maiwasang mapangiti. Isang linggo pa lang akong bumalik, pero pakiramdam ko, para akong hindi nawala. Habang nakaupo ako sa swivel chair ni Amour, napailing na lang ako at natawa nang mahina.
“Gage, parang hindi ako nawala, ah.”
Gumalaw ang aking mga daliri sa armrest ng upuan habang pinag-iisipan ang mga nangyari nitong mga nakaraang linggo. Sa totoo lang, hindi ko inasahan na magiging ganito kabilis ang pagtanggap nila sa pagbabalik ko. Alam kong may halong saya at gulat ang naramdaman ni Amour, pero hindi ko rin maalis sa isip ko kung paano kaya ito tatanggapin ng iba… lalo na at hindi nagpaalam si Red sa kanila.
Napatingala ako sa kisame, pilit na pinakikiramdaman ang presensya niya sa loob ko. Alam kong hindi pa siya tuluyang nawawala—narito pa rin siya, tahimik lang.
“Red…” Bulong ko sa sarili, pero walang sumagot.
Maya-maya pa, bumukas muli ang pinto at pumasok si Amour na nakabusangot ang mukha. Mabilis niyang ni-lock ang pinto at bumalik sa aking kandungan kasunod ang pag unzipped sa zipper ng suot ko na pantalon.
