A/N : ⚠️ A very light hmmm 💦
-
Underground River
"Ate!"
"Lilith!" Tawag namin sa isa't-isa ng kapatid ko, excited itong kinarga at niyakap. Ang tagal kong nawalay sa kanya, ngayon makakasama ko na ulit ang kapatid.
"Gimingaw ka sa akoa o wala?" (Na miss mo ako o hindi?) Tanong ko sa kanya.
"Wala ra te, lingaw kaayo ko kauban si Sasav tapos buotan kaayo ang mga tao sa ilaha." (Hindi te, aliw ako kasama si Sasav tapos mababait mga tao sa kanila) Sagot ni Lilith, nasaktan ako sa sinabi niya ha at parang walang kapatid.
"Ihatag na lang ka nako sa ilaha?" (Bigay na lang kita sa kanila?) Biro ko.
"Pwede ra sad te." (Pwede rin) Loko na bata to at talagang gusto rin.
"Hindi na, babalik ka na sa bahay- may ipapakilala si ate sayo." Sabi ko at kinuha ang kanyang bag saka ipinasok sa sasakyan.
Sinabihan ko na si Kris na uuwi si Lilith ngayon kasama ko, doon kami uuwi sa bagong bahay na bili nong apat. Napuntahan ko na kahapon at sa sobrang lawak at laki no'n ay malamang baka mawala pa itong kapatid ko, pero ayos lang dahil may mga kasambahay silang kinuha.
Isang buwan na ang lumipas at hindi pa rin kami nagkakaayos ni Amour. Gi-atay, kalami nalang jud gapuson dayun palamian para happy ang pempem, wag nyo nalang pansinin sinabi ko at sabi ko lang ang sarap niya gapusin dahil kahit anong lambing at suyo ko ay ayaw talaga bumigay ni anteh ninyo.
"Te, alam mo marunong na ako mag tagalog? Tapos sabay kami nag-aaral ni Sasav, tinuruan niya rin ako ng Ingles." Masiglang pagbabahagi ni Lilith sa akin, napangiti ako dahil talagang inalagaan nila ng husto ang kapatid ko at hindi pinabayaan.
"Mabuti kung gano'n, mag-aral ka ng maigi para matupad mo ang pangarap. Sabi mo ay gusto mo maging doktor paglaki diba? Hindi madali at mahabang taon kakailanganin mo para maabot ang pangarap na yan kaya magsumikap ka, okay? Hindi habang buhay kasama mo ako." Kaming dalawa nalang ang magkasama ngayon at ayaw ko danasin ng kapatid ko ang hirap na pinagdaanan ko, kaya lahat ibibigay ko sa kanya- para sa pangarap niya.
"Oo te, promise ko sayo." Bungisngis niyang sagot at nag pinky promise pa.
Dinala ko si Lilith sa bahay kung saan kami maninirahan kasama ang apat simula ngayon. Pagkababa palang namin ng sasakyan ay lumabas na ng bahay ang apat upang salubungin kami. Nagulat din ako, ang buong akala ko ay nasa trabaho sila. Nagtataka ang kapatid ko nang makita ang apat, agad itong nagtago sa likod ko ngunit tumakbo rin pagkalipas ng ilang segundo nang makita si Azalea.
"Ate Aza!" Tumatalon na salubong ni Lilith at yumakap sa tiyan ni Aza.
"Hi, I missed you. How are you, Lith?" Malambing na bati ni Azalea at niyakap pabalik ang kapatid ko.
"Ate, bakit nandito ka?" Tanong niya kay Aza at tiningnan ang tatlo, mahina akong natawa sa pagsinghap ni Lilith dahil sa gulat. "Hala! Mga gwapa!" Bulaslas niya at nagtatalon muli pagkakita kay bebelabs ko. "Ate Ines!" Humiwalay siya kay Aza at kay Ines naman yumakap.
Sunod niyang tiningnan mula ulo hanggang paa ang natitirang dalawa bago lumingon sa akin. "Te, kinsa sila?" Tanong niya.
Hilaw akong napangiti, hindi alam ang sasabihin. Nayawa najud ni, dapat ko ba aminin ngayon? Paano ko sasabihin? Lilith, mga in-laws mo pala at mga asawa ng ate mo- kulira.
"Te?"
"A-Ano,"
"My name is Emilie, I'm your sister's best friend." Natutop ko ang sariling bibig matapos magpakilala ni Emilie bilang best friend ko. Tatawa ba ako? BFF saan? BFF sa kama? Sa ungolan? Pastilan.
