CHAPTER 32 - VERY LIGHT 🔞

45.8K 985 263
                                        


A/N: Ano lang, slight hehe. 🫦

-

After a week.

Araw ng Festival, ang mga tao ay abala sa kanilang mga aktibidad, pero ako... ako ang inatasan sa booth namin ngayon. Target shooting, ako ang maghahatid ng saya! Pisti silang lahat, ako na lahat umako sa mga kulang namin, ako pa ang puyat tapos ngayon ako ang bantay? Mga abusado!

"Mga suki!" Sigaw ko gamit ang megaphone, "Tatlong bola lang, kaya n'yo bang itumba ang tatlong target? Pag natumbok ang jackpot target, may malaking pabuya kayong makukuha!" Hindi ko mapigilang ngumiti habang pinagmamasdan ko ang mga naglalakihang mata ng mga bata at kahit mga matatanda na abot ang excitement.

Sa booth, puno ng mga laruan na nakatayo sa mga mataas na stand, mga target na pwede mong itumba gamit ang bola. Sa gitna, ang grand prize ay isang malaking teddy bear at isang misteryosong kahon na may label na 'Grand Prize'

"Ate! Tingnan mo, kaya ko 'to!" Sigaw ng isang batang lalaki habang hawak ang bola at mabilis na tumalon papunta sa linya.

Tumawa ako. "Sige, subukan mo!" Hamon ko.

"Huwag mong tingnan si ate, ako muna, para makita mo kung paano 'to!" Habang inaayos ko ang mga bola sa isang tray, narinig ko ang isang magulang na nagsabi sa anak niya.

Napangiti ako at tinulungan sila. Binanggit ko sa kanila ang mga rules habang naghahanda sa susunod na round. "Tatlong bola. Kung matumbok mo ang tatlong target, may premyo ka." Sabi ko.

Tuloy ang pila ng mga tao. Abala ako sa pagsagot sa tanong, pagbibigay ng premyo sa mga nanalo ng maliit na mga laruan, at pagbibigay ng tips sa mga bagong players.

Tapos, may narinig akong malakas na sigaw! "Yesss! Jackpot!" Habang ang buong booth ay napuno ng sigawan, nakita ko ang isang bata naka jackpot- tatlong bola at lahat tumama!

Sumabog ang kasiyahan sa paligid, lahat sila ay nagsimula magpalakpakan at sumigaw ng "Wow!" Dali-dali akong kumuha ng teddy bear at ang misteryosong box.

"Palakpakan natin si baby! Nanalo siya ng GRAND PRIZE!" Sigaw ko. Inabot ko ang teddy bear at nagbigay ng high-five sa nanalo. Nakita ko ang saya sa mukha ng batang 'yun at sa mga mata ng mga tao sa paligid na tumatangkilik sa booth.

"May susunod pa ba?" Tanong ng isang bata habang nag-aayos siya ng kanyang bola.

Inayos ko ang mga targets at nagsabi, "Tara! Puno ang booth, maraming pa kayong pwedeng manalo!" Tuloy-tuloy ang saya, at kahit pagod, ramdam ko ang saya ng lahat. Minsan lang mangyari 'to, kaya naman sulit ang lahat ng effort.

Patuloy ang saya at sigla sa booth namin. Habang nag-aayos ng mga bagong bola at binibilang ang mga points ng mga players, naramdaman ko ang mga mata ng mga tao na nakatutok sa akin. Alam kong excited silang subukan ang swerte nila. May isang grupo ng kabataan na humarap sa booth, lahat sila may mga ngiti at tila puno ng kumpiyansa.

"Ate, kami naman!" Sigaw ng isa sa kanila, hawak ang tatlong bola.

"Teka, may strategies ba kayo?" Tanong ko, para magbigay ng konting kasiyahan sa mga nanonood. Lahat sila tumawa. "Ang sikreto, hindi lang lakas, timing din!" Isa pang bata ang nagsabi.

Natawa ako at tinulungan silang maghanda. "Tama! Timing at tamang lakas. Pero may tamang technique 'yan!" Habang pinipilit nilang itumba ang mga target, patuloy ko pinapalakas ang kanilang loob. Isang beses, muntik nang tumama sa jackpot target ang isa, kaya halos magkabuhol-buhol ang lahat sa excitement. "Ay, ang saya! Malapit na, malapit na!"

Pagkatapos ng ilang rounds, dumaan ang isang magkasunod na magulang na may mga batang may edad tatlo at lima. "Ineng, paano 'to? Pwede po ba silang sumali?" Tanong ng nanay habang hawak ang kamay ng mga anak.

𝙿𝙾𝙻𝚈𝙰𝙼𝙾𝚁𝚈 (𝚂𝚂) : 𝙵𝙾𝚄𝚁 𝚆𝙸𝚅𝙴𝚂 | 𝚁𝙷𝙴𝙰 (𝙸𝙽𝚃𝙴𝚁𝚂𝙴𝚇)Where stories live. Discover now