-
Napapansin ko sa mga nakalipas na araw-ay hindi, simula nang makilala ko ang apat ay walang araw na hindi ako napapamura. Sana lang talaga hindi ako dalhin sa palasyo ni satanas dahil lang sa kakatawag ko lage sa kampon niya, paano naman kasi-sinong hindi mapapamura kung hindi mo alam gagawin? bigla-bigla may mangyayaring hindi mo inaasahan.
Tulad nalang ngayon...
Yawa, deja Vu.
"May kailangan po kayo?" Simbahan kanunay. Parang kahapon lang nakaharap ko parents ni Azalea tapos ngayon itong ina ni Amour, wala ba sila mahanap na mas babagay sa mga anak at sa akin hinahanap?
Nandito nga pala ako ngayon sa salon, nagkataon lang nagkasalubong kami kanina sa labas ng mall kaya kinaladkad ako kaagad. Hindi ko gusto maging bastos kahit may trabaho pa sanang hahabulin, akala ko mabilis lang kaso sa beauty salon ako dinala at ngayon kasalukuyan siyang nagpapaayos ng buhok.
"How's school, iha?" Tanong niya. Dito ako nakaupo sa may tapat kung saan kaharap lang niya ang malaking salamin.
"Ayos lang naman po." Sagot ko.
"Ubos na ba ang baon mo?" Nagtaka ako at napaisip tapos naalala ko yung binigay niyang pera. Umiling ako at ngumiti.
"Meron pa po, hindi ko naman yun ginalaw." Sabi ko. May pera ako at pag short ay doon ako kumukuha sa card ni bigay ni Ines,
"Kung kailangan mo ng allowance sabihan mo ako kaagad."
"Huwag na po ma'am, may trabaho ako at isa pa may source of income naman ako para sa mga needs hehe." Kung swapang at sakim lang siguro ako sa pera matagal ko na hinuthutan silang lahat.
Saglit niya akong pinagmasdan. "Rhea, may hihingin akong pabor." Hindi ko expected ang sinabi at wala akong alam kung may kakayahan ako gawin ang pabor na kanyang nais, pero kung kaya naman ay bakit hindi? Mas mabuti alamin muna kung ano gusto niya.
"Kung kaya naman. Anong pabor po ba?" Tanong ko.
"Alam mo ang tungkol sa lalaking pinakilala ng ko asawa bilang kasintahan ng anak ko, tama?" I nodded.
"Ang totoo nyan ayaw ko sa kanya para sa anak ko. Mayabang, mukhang pera, hindi mapagkaka-tiwalaan at higit sa lahat hindi magaling sa trabaho. Puro kamalian lang dulot ng lalaking yun sa hospital." Ano gagawin ko sa problema mo anteh? Lalasapin? Gage, bakit sa akin sinasabi? I mean, ano gagawin ko sa sinabi niya? As if may kakayahan ako kalabanin ang lalaking yun pero kung suntukan ibig niya sabihin... sure, why not?
"O tapos?"
"I mean po anong magagawa ko tungkol jan?" Kasi kahit tatanungin ako ngayon ay hindi ko rin alam ang tamang gagawin.
Kinuha niya ang kanyang handbag at may pinunit na papel saka binigay sa akin, ako na walang alam kung ano yun ay agad itong tinanggap ngunit nanlaki ang mga mata ko nang makita ito at kung gaano kalaki ang perang nakasulat. Nanginginig ang mga kamay habang lihim binibilang kung ilang zeros ang nakalagay.
Isa, dalawa, tatlo, apat, lima-siyam?!
Yung panga ko halos hindi ko na maibuksa sa sobrang tigas dahil sa labis na pagkagulat. "A-Ano po ibig sabihin nito? Suhol mo to para layuan ko si Amour? Hindi ko tatanggihan ang ganito kalaking pera kahit sabihin mo pang mukha akong pera ngayon, ma'am." Pag amin ko. Isang billion para layuan lang anak ang niya? Sino ba naman ako para tanggihan ang ganito ka malaking pera, diba?
"No." Ngunit nalito ako sa isinagot sa akin kaya napatingin ako sa kanyang mga mata.
"N-No? So, para saan po to? Ipapa deposit mo sa bangko-" Bigla niya pinutol ang pagsasalita ko.
