CHAPTER 21

24K 1.1K 421
                                        


-

Maingay, crowded at puno ng mga tao ang buong lugar. Kaamulan festival pala ngayon at nandito kami sa Malaybalay City, akala ko sa Valencia ‘yung tinutukoy na fiesta ni Nanay Minda kahapon pero hindi pala. Sobrang daming tao, may street dancing ngayon kaya pala busy ang kalsada.

Kakarating lang namin, akala ko kaming dalawa lang ni Emilie kasi nga sabi ko date kami pero dahil sa gustong sumama ng kaibigan ko at ayaw magpaiwan ay isinama nalang din namin. Kinaladkad ko na rin si Jovanne, anak ni Nanay Minda, para hindi mag mukhang 3rd wheel tong kaibigan ko at mas lalong ayaw ko mag babysit sa kanya dahil  sobrang likot niya.

Actually ay pwede na talaga namin kontakin ang mga asawa pero hindi namin ginawa dahil gusto namin sila ang sumugod dito, para rin makuha nila Nanay Minda ang reward. Mukhang nag eenjoy din naman ang kaibigan ko, tingnan mo at parang walang pamilya na naghihintay sa kanya— ako din pala.

“Rhea,” pabulong na tawag sa akin ni ems dahil sa sobrang lakas ng mga tunog ng drums kahit nasa malayo palang sila.

“Hmm?” Sagot ko.

Napansin ko na mainit at wala siyang proteksyon sa mukha kaya kaagad ko hinubad ang suot na sombrero at isinuot sa kanya.

“Mainit, nag sunblock ka ba bago umalis kanina?” Tanong ko sa kanya at baka umitim pa siya sa sobrang init ng panahon ngayon.

“Yes, thanks. By the way, gusto ko mag try no’n.” Turo niya sa mga taong nagkukumpulan sa hindi kalayuan. Ah, gusto niya rin yata magpalagay sa kanyang mukha? Ano ba sa tagalog at hindi ko alam, basta ‘yung mga pintura o lipstick na nilalagay sa mukha kada may fiesta.

“Okay, tara.” Sabi ko at hinila siya ngunit tinawag niya akong muli. “Bakit?” Tanong ko.

“Where’s Kris?” Tanong niya at inilibot ang paningin.

“Hayaan mo na ‘yun at kasama niya si Jovanne, walang problema kung mawala man sila at hindi tayo magkita total makakauwi pa rin naman sila ng ligtas.” Dito sa siyudad na ito nag-aaral si Jovanne kaya okay na okay lang kahit hindi kami sabay umuwi, malaki na sila.

“Okay, magpalagay ka rin sa mukha mo.” Sabi niya sa akin kaya pumayag na lang din ako.

“Anteh Emilya, humawak ka sa kamay ko at baka mawala ka sa paningin ko.” Sabi ko at humabol sa kanya upang hawakan siya sa kamay.

Tinaasan niya ako ng isang kilay at pinaikutan ng mga mata, “gusto mo lang maka score sa akin.” Awang ang labi kong napatitig sa kanya.

“Aba’t mahangin ka? Ikaw panay landi sa akin tapos ikaw pa talaga ang may ganang magsabi ng ganyan? Hindi ka naman mukhang mahangin, no?” Sarkastiko kong sagot at binitawan ang kamay niya.

Plano ko sana iwanan kaso bigla siyang tumalon at sumampa sa aking likuran, muntik pa tuloy kaming dalawa tumihaya sa daan! Mabilis niyang ipinulupot sa leeg ko ang mga braso at gano’n na rin ang mga binti nito.

“Let's go.” Turo n’ya sa nag mi-makeup ng mukha.

Umiling ako matapos makita ang tinginan ng mga tao, itong si Emilie akala mo kami lang ang tao sa kalsada, hindi ba siya naiilang sa mga matang panay sunod sa aming dalawa? Tapos ang ikli pa ng suot niyang short— init-init ng panahon tapos ganyan suot.

“Kuya, tag pila magpabutang?” (Magkano magpalagay?) Tanong ko sa artist.

“50 lang ma’am,” sagot nito.

“Kanaog na raw kuno? Wala kay plano mo naog ha? Abi ba nako magpabutang ka sa nawong?” (Bumaba ka na kaya? Wala ka plano bumaba, ha? Akala ko ba magpapalagay ka sa mukha?) Sabi ko kay Emilie at saka lang ito bumitaw at bumaba.

𝙿𝙾𝙻𝚈𝙰𝙼𝙾𝚁𝚈 (𝚂𝚂) : 𝙵𝙾𝚄𝚁 𝚆𝙸𝚅𝙴𝚂 | 𝚁𝙷𝙴𝙰 (𝙸𝙽𝚃𝙴𝚁𝚂𝙴𝚇)Where stories live. Discover now