-
Lumipas ang isang linggo matapos sumabog ang balita tungkol sa relasyon ko sa lima ay hindi na naging mapayapa ang buhay ko, sobrang hirap at sa loob ng isang linggo na 'yun ang dami kong pinagdaanan. Hindi nila alam, hindi ko sinasabi, pero naging target ako ng school bullying at hanggang ngayon biktima pa rin ako.
Walang alam si Ines sa nangyari dahil nagsisimula lang ang pananakit sa akin sa tuwing wala siya, hindi ko pinaalam sa kanila- ang dami kong pasa sa katawan pero tinatabunan ko lang lahat ng 'yun sa pamamagitan ng makeup, sanay narin naman ang katawan ko masaktan kaya hindi na bago sa akin ang ganito.
Lumalaban ako, pero sa dami nila minsan ay hindi ko kinakaya lalo na at mag-isa lang ako. Ayaw ko mag-alala sila sa akin lalo na at apektado rin sila sa naging desisyon na ibalita ang tungkol sa amin. Kaya ko ang laban na 'to ng mag-isa, hindi ko kailangan ng tulong nila- kaya ko protektahan ang sarili.
"Shit," napangiwi ako matapos hawakan ang pasa sa aking labi at may sugat din ito, iniiwasan ko masugatan ang mukha dahil agad itong mapapansin kaso hindi ko naiwasan ang suntok kanina dahil lima silang pinagtulungan ako.
May kumatok sa labas ng aking kwarto kaya minadali kong lagyan ng makeup ang sugat sa aking mukha bago ito pagbuksan, ngunit pagbukas ko ng pinto ay akala ko isa sa apat- si Lilith lang pala.
"Ano Lith? May kailangan ka?" Tanong ko at may inabot itong isang card.
"Te oh, nakita nako sa imong kwarto sauna." (Te oh, nakita ko sa kwarto mo noon." Sabi niya at inabot sa akin ang bagay.
Ngumiti ako at tinapik ang kanyang ulo. "Salamat, kamusta sa bagong school mo? Masaya ka ba? May nang-aaway pa ba sayo?" Tanong ko dahil lumipat na ito ng school, kung saan si Savannah.
Malawak ang naging ngiti niya at umiling ng maraming beses. "Wala na te, kasi takot sila lahat kay Savy- may lumapit sa akin kanina pero tinulak ni Savy tapos inaway niya, hehe." Masaya niyang pagbabahagi sa akin, proud pa siya sa ginawa ni Savannah.
Thankful ako sa ginawa nila Aza at Ines, hindi ko inaasahan na agad nilang ginawan ng paraan ang tungkol sa nangyari kay Lilith, nagulat na lang nga rin ako nang sabihin nila sa akin na lilipat na ng school ang kapatid ko. Sobrang saya ko, kasi may kaibigan na siyang tunay na kasama at pinagtatanggol siya.
"Very good, maging mabait ka sa school, okay? Tapos ka na ba sa takdang aralin mo? Gawin mo na para may time ka pa maglaro." Paalala ko sa kanya at bigla itong tumalon dahil sa pagkataranta.
"Wala pa! Sige te!" Sagot niya at tumakbo pabalik sa kanyang kwarto.
Mahina akong tumawa at napailing nang ulo, bumalik ako muli sa loob ng aking kwarto at pagtingin ko sa ibinigay niyang card ay tumaas ang mga kilay ko. Hindi ako makapaniwala, akala ko naitapon ko na ito ngunit mukhang hindi pa pala. Ang binigay ni Lilith sa akin ay ang Identification card ko sa Arena, nandito lahat ng records ko at mga panalo sa laban.
"Red," sambit ko matapos basahin ang nakasulat sa ibaba ng aking litrato.
Tinago ko ito at lumabas ng kwarto para bumaba dahil gutom na ako. Hindi ko na matandaan kung kailan ako huling nagsimba- plano ko sana magsimba kasama ang pamilya kaso sa sitwasyon ngayon ay mukhang mahirap, dito nalang ako sa bahay magdadasal.
Pumunta ako ng kusina, naabutan si Emilie na mag-isa at gumagawa ng sandwich niya. "Hello, I missed you." Nagulat ito sa bigla kong pagsalita at yakap ng kanyang katawan.
"Wala ka bang schedule ngayon?" Tanong ko at kinain ang sinubo nyang kamatis, ayaw niya kasi sa kamatis.
"There is, but after this, I'll leave." Sagot niya.
