-
"Rhea, ang sakit ng katawan ko." dumating bigla kanina tong masakit ang katawan. Hindi naman siya halatang pagod sa trabaho, ibang trabaho yata ginawa at pagod na pagod.
"Baka sumugod si Jenkins dito, baka magwala ulit yun. Nagpaalam ka ba?" akala ba niya nakalimutan ko na yung huli nila na pag-aaway dito? Napagalitan tuloy ako dahil sa away mag-asawa nila.
"Ou, nagpaalam ako. Wala ka bang pasok ngayon? Pahilot naman balakang ko oh." wala ba siyang trabaho at sumugod nalang bigla rito.
"Kris, mahuhuli na ako sa trabaho. Bakit kasi nandito ka at di ka nalang don dumiretso sa mga asawa mo." kakauwi lang nila galing honeymoon doon sa Switzerland, buhay may asawa nga naman at apat pa.
"Busy na ulit sa mga trabaho kaya wala masyadong oras sa akin ngayon." napaka imposible naman niyan, hindi ako naniniwalang walang oras mga yun sa kanta kung patay na patay yung apat dito sa kaibigan ko. Baka nga isang tawag niya lang sa mga yun sumugod agad dito.
"Maniwala ka jan, wala kinikilalang busy mga yun pagdating sayo." kontra ko sa kanyang sinabi. Tinignan ko ang relo at nagulat nang makita ang oras, mas binilisan ko ang kilos sa pagbibihis dahil baka pagalitan ulit ako ng manager. Espesyal ang araw na to dahil liban sa may party ay ipapakilala sa amin ang bagong may-ari ng malaking building kung saan ako nagtatrabaho.
"Kris! Bahala ka jan at aalis na ako, lock mo pinto pag aalis ka na!" sabi ko at hindi na siya ginising dahil nakatulog sa sobrang pananakit ng katawan ang baliw kong kaibigan na mukhang pinahirapan ng kanyang mga asawa. Sa sobrang pagmamadali hindi na rin ako nakapag suklay at sa kalsada ko nalang inayos ang buhok habang naghihintay ng masasakyan. Tinanghali kasi ako ng gising kanina at kung hindi lang dumating si Kris marahil ay humihilik parin ako ngayon sa aking kama.
"Manong! Pasakay!" humarang talaga ako sa daan para lang huminyo ang jeep na dadaan.
"Magpapakamatay ka ba?!"
"Hindi, sasakay ako!" sabi ko at tumakbo sa likod kaso puno na masyado sa loob. "Alis na manong!" sigaw ko at sumabit na lang sa likod ng jeep dahil kung maghihintay pa ako ng susunod ay baka sa susunod na dekada pa ako makasakay.
Akala ko makakahabol ako sa oras pero lintik na buhay at naabutan ng traffic sa daan, since malapit na ako sa patutunguhan ay tinakbo ko nalang. Ang init pakingshet! Kakaligo ko lang pero heto, naliligo ulit ako sa sariling mga pawis. Halos maubusan ako ng hininga kakatakbo hanggang sa maabot ko ang destinasyon, nakita ko busy na lahat sa paghahanda. Mabilis ko inayos ang magulong buhok at hitsura saka pinunasan ang mukha na puno ng pawis. Pagkaraan ng ilang minuto humugot ako ng malalim na hininga bago tuluyan pumasok at bumati sa kanila.
"Rhea, late ka na naman! Hanggang kailan ka magpapatuloy sa pagiging ganito? Binigyan kita ng maraming pagkakataon pero inaabuso mo." sermon agad ng manager ang sumalubong sa akin. Kung hindi lang sana nawala si Savannah wala sana ako ngayon dito. Kinuha kasi si baby ng ama niya, dinala sa France at doon mananatili ng isang taon, yung condong bigay ni Kris isinauli ko dahil ayaw ko magmukhang abusado.
"Sorry na nga, sinubukan ko naman makahabol pero naabutan ng traffic sa daan. Tinakbo ko nalang nga para hindi ma lat-"
"Huling pagkakataon na to Rhea, sa susunod late ka ulit makakarating na to kay boss." sus sino tinakot niya? tingin ba niya hindi ko alam bago na boss namin ngayon? Sino naman ang pinagtutuunan pansin ang isang empleyado na katulad ko kung hindi ako kawalan sa lugar na to.
