-
Unang araw ko sa trabaho ngayon, at kakatapos lang akong ipakilala ni Ines sa lahat bilang kanyang bagong partner at asawa—pati ang janitor hindi niya pinalampas. Balak ko sanang sabihan siya na huwag ipaalam ang tungkol sa amin, pero ano nga ba ang silbi no’n kung ilang taon nang kalat na kalat ang mukha ko bilang isang missing person? Hindi lang ‘yun—habang nasa biyahe kami kanina, may mga naglalakihang billboards akong nakita na may mukha ko pa rin.
Ngayon, nandito ako sa opisina niya, tinatapos ang trabaho na dapat ay siya ang gumagawa. Hindi ko alam kung saan siya nagpunta, pero ang sabi niya kanina ay may ipapakilala raw siya sa akin—ang best friend niya at dating partner. Kukunin ko na sana ang cellphone ko para tawagan siya nang biglang bumukas ang pinto.
Pumasok si Ines, pero hindi siya nag-iisa. May kasama siyang babae. They look so beautiful in uniform.
“Hon,” tawag ni Ines sa akin.
Agad akong tumayo at sinalubong silang dalawa. "You've met her before, but not as Red. Let me introduce her to you—she's my senior and, at the same time, my best buddy, Everleigh." Pagpapakilala niya sa kanyang kaibigan.
Tumango ako at nahihiyang ngumiti. Hindi ko siya matingnan sa mata dahil para akong natutunaw sa titig niya.
"Leigh, this is my wife, Red… the other personality of this body," dagdag ni Ines habang ipinapakilala naman ako kay Everleigh.
"Mm, just like Krystal," sagot niya, pero hindi ko agad naintindihan ang ibig niyang sabihin. Crystal? Anong kinalaman no’n sa akin?
"Crystal?" Nalilito kong tanong.
"Yeah, my wife's sister. She also has alters." Sagot niya at saka ko lang napagtanto ang ibig niyang sabihin. Akala ko pa naman kung ano ang tinutukoy niya.
"Hon, Leigh and I have plans, so if possible, could you finish the rest of my work? It just needs to be finalized. Please?"
Gusto ko sanang tumanggi, pero paano ko magagawa ‘yun kung nilalambing niya ako sa harap ng kaibigan niya? This is the first time na ginawa niya ito, kaya wala akong nagawa kundi pumayag.
“Okay, saan ba kayo pupunta?” Tanong ko, pilit na hindi pinapahalata ang kilig.
“We're going to meet Olivia. You know her, right? Kris’ wife,” sagot niya at tumango ako kaagad.
“I see. Okay, ako na ang bahala. Message mo na lang ako kung may kailangan ka.” Sagot ko bago bumalik sa harap ng computer.
“Thank you. I'll see you later, lovey,” paalam niya sa akin. Lumapit siya, kaya napaangat ako ng ulo—pero hindi ko inaasahan ang paghalik niya sa labi ko.
Napakurap ako at agad na napatingin sa babaeng nanonood sa amin. “S-See you,” utal kong sagot bago mabilis na ibinaba ang ulo, pilit na inabala ang sarili sa screen kahit na ramdam ko pa rin ang kaba.
"I didn't expect you to be this shameless when it comes to your wife. Really?" Biglang sabi ni Everleigh bago siya naunang lumabas.
Natawa si Ines saka ako nginitian ng matamis, tuluyang nagpaalam at sinundan ang kanyang kaibigan. Pagkaalis niya, agad kong tinutukan ang trabaho. Matapos ang isang oras, natapos ko na ang lahat. Buong araw hanggang hapon, inabala ko lang ang sarili sa mga trabaho hanggang sa biglang tumunog ang cellphone ko—tawag mula sa anak kong si Wayne.
“Hello? Wayne?” Sagot ko agad.
“Mom, this is bad. Mommy came home and got all dressed up. I heard her talking to someone on the phone earlier, and it looks like she’s meeting someone. It’s not Mommy Emilie… and I think it’s a man.” Halata ang taranta sa boses ni Wayne, pero nanatili pa rin ang lambing niya habang nagsasalita.
