Trigger Warning: This content may be unsettling for some readers. Please be advised before continuing.
-
Maagang naging abala si Azalea sa kanyang trabaho, abala sa pagpirma ng maraming dokumento nang biglang itong nakatanggap ng video call. Agad niyang sinagot ang tawag, hindi inaalis ang paningin sa papeles sa kanyang harapan.
"Yes?" Sagot niya, hindi pa rin inaangat ang panulat.
Mula sa kabilang linya, agad niyang narinig ang tarantang boses ni Amour. "Aza, the gun, it's gone. It's missing, and someone took it from my office."
Napahinto si Azalea. Mabilis niyang iniangat ang tingin, unti-unting nauunawaan ang bigat ng sitwasyon. Nawawala ang baril, ang parehong baril na itinago nilang mabuti. Bago pa siya makasagot, biglang lumitaw si Emilie sa kanilang video call. May tensyon sa kanyang ekspresyon, at halatang may problema rin itong dala.
"The uniform," aniya, bakas sa tinig ang pag-aalala. "Someone took it."
Napatingin si Azalea sa kanila, unti-unting bumibigat ang kanyang dibdib. Isang baril at isang uniporme, dalawang bagay na hindi dapat mapunta sa maling kamay. Huminga nang malalim si Azalea, pinigilan sandali ang hangin sa kanyang dibdib bago dahan-dahang inilabas. Isinandal niya ang katawan sa kanyang upuan, mariing ipinikit ang mga mata habang hinilot ang sintido.
Paano? Paano ito nalaman at nakuha?
Paulit-ulit niyang sinasariwa ang mga huling araw, inaalala kung may nakaligtaan ba silang butas sa kanilang plano. Ang baril at ang uniporme, dalawang bagay na hindi basta-basta mahahanap ninuman. Kailangan ng tiyak na impormasyon para makuha ang mga iyon. Napabuntong-hininga si Azalea bago muling iminulat ang kanyang mga mata. Alam niyang wala silang panahon para mag panic. Kailangan nilang kumilos, at kailangan nilang maging maingat.
"What do we do now?" Tanong ni Amour, bakas sa boses ang pag-aalala.
Sandaling natahimik si Azalea. Ramdam niya ang bigat ng sitwasyon, ang pagkawala ng baril at uniporme ay hindi simpleng pagkakamali. Isang malinaw na babala ito na may nagmamasid sa kanila, naghihintay ng tamang pagkakataon upang ibunyag ang kanilang sikreto. Kailangan nilang gumawa ng hakbang, at kailangang mabilis.
"First, stay calm," sagot niya sa mababang tinig. "Panic will only make things worse. Emilie, do you have any idea who took the uniform?"
Napatingin siya sa kabilang linya, naghihintay ng sagot, habang sa isipan niya, mabilis nang bumubuo ng plano. Muling bumigat ang pakiramdam ni Azalea nang marinig ang pangalan. Napatingin siya kay Emilie, pilit inaaninag kung may bahid ng pag-aalinlangan sa kanyang mukha, ngunit wala, sigurado ito sa kanyang sinabi.
"Rhea herself- I'm sure she's the one who took the uniform and the gun." Mariing sabi ni Emilie, puno ng kumpiyansa. Saglit na natahimik si Azalea. Ang posibilidad na si Rhea nga ang kumuha ng mga 'yun ay hindi malabong mangyari, pero ang tanong... bakit? Ano ang balak nito?
"Are you certain?" Tanong niya, pilit na inalis ang pag-aalinlangan sa kanyang tinig. "How do you know?"
Nagpalitan ng tingin sina Emilie at Amour bago muling nagsalita ang una. "Because she was the only one who had access to both. And she's been asking questions, too many questions."
Napapikit si Azalea, pilit pinag-iisipan ang bawat piraso ng impormasyong mayroon sila. Kung totoo ngang si Rhea ang may kagagawan nito, hindi lang ito simpleng pag-uusisa. May dahilan siya. At ang mas malaking tanong, ano ang gagawin niya rito?
Tumango si Azalea, pinipilit panatilihin ang kalmadong ekspresyon sa kabila ng kaba sa kanyang dibdib. Alam niyang hindi sila maaaring kumilos nang pabigla-bigla, lalo na kung hindi pa nila ganap na nauunawaan ang motibo ni Rhea.
