EPILOGUE

30.1K 970 605
                                        


-

Isang araw, isang linggo, isang buwan, isang taon… at marami pang araw ang lumipas mula nang naganap ang party at humingi ako ng tawad sa pamilya ko. Simula noon, mas naging abala ako sa trabaho. Bukod sa pagiging pulis, tinanggap ko na rin ang alok ni Mama na tumulong sa kanyang kompanya.

Sa totoo lang, ilang beses ko siyang tinanggihan—ayokong mawala ang oras ko para sa pamilya. Sapat na sa akin ang trabaho ko bilang pulis. Pero nang sabihin niyang pansamantala lang ito, hanggang sa tuluyan nang lumaki at tumayo sa sarili si Lilith, wala na akong nagawa kundi ang pumayag. Lalo na't si Fleur ay abala rin sa pagpapatakbo ng sarili niyang negosyo.

Tungkol naman kay Red, nanatili pa rin siya sa akin. Hindi siya nawala at masaya ako dahil pinili niyang manatili. Para sa akin. Para sa mga anak namin. Para sa mga asawa namin. Alam na ng lahat ang tungkol sa kanya, at sa kabutihang-palad ay buong puso siyang tinanggap. Walang pagtutol. Nakakatawa nga kung minsan kasi sa apat… mas lamang talaga si bebelabs. Kapag siya ang naging host, si bebelabs ang palaging inuuna ni Red.

Nagkaroon kami ng pagkakataong magkausap ni Red. Tinanong niya ako kung bakit mas lamang si Azalea sa tatlo. Sinabi kong matagal ko na siyang gusto noon pa man, kahit hindi ko pa kilala ang iba. Matagal na talaga siyang may puwang sa puso ko. Tinanong ko rin siya kung bakit si Ines naman ang mas espesyal sa kanya. Ngumiti lang siya at sinabing hindi rin niya alam. Sinusunod lang daw niya ang tibok ng puso niya.

Sa dulo ng lahat, simple lang ang totoo—masaya ako. Masaya ako kung anong meron kami ngayon. Mahal na mahal ko ang pamilya ko, at sisiguraduhin kong ibibigay ko ang lahat para sa kanila.

Kasama ko ngayon sina Amour at Emilie, naghahanap kami ng magandang furniture para dagdag sa bagong bahay namin. Actually, simula pa kaninang umaga kami nag-iikot, at inabot na kami ng gabi dahil sa sobrang tagal talaga nilang mamili. Alas sais na ng hapon, at susunduin pa namin sina Aza at Ines sa trabaho para sabay-sabay na kaming umuwi.

Tahimik akong nakatitig sa ilang design ng mga upuan nang mapansin ko si Emilie na papalapit.

“So, what type of chair feels best for you to sit on?” Tanong ko sa kanya at hinila ko siya palapit sa akin. Ngumiti siya ng pilyo saka sumagot.

“Wrong question…” aniya sabay buntong-hininga at mas dumikit pa sa akin. “What you should be asking is who I want to sit on.” Grabe siya. Wala man lang pakialam sa babaeng katabi namin, pinarinig pa talaga ‘yun.

Palihim kong inilagay ang kamay ko sa kanyang bewang, dumausdos pababa hanggang sa pwet niya saka ko ito tinapik ng tatlong beses.

“Pwede rin. Payag ako kahit 24/7 pa yan.” Bulong ko sa kanya sabay marahas na pisil.

Napasinghap si Emilie at walang pasintabing hinampas ang balikat ko, pero hindi rin napigilang mapangiti habang umiiling.

“Tigil mo ‘yan kung ayaw mong dito pa kita upuan sa harap ng lahat.” Bulong niya pabalik at ako naman ngayon ang napangisi.

“Nasaan si Amour?” Tanong ko at palinga-linga sa paligid.

“May nahanap na kaming magandang set, nagbabayad na siya ngayon. Anong oras na ba?” Sagot ni Emilie at sumilip sa phone niya.

Nakahinga ako nang maluwag. “Buti naman. Akala ko aabutin na naman tayo ng tatlong oras dito. Alis na tayo pagkatapos niyan, daanan muna natin sina Aza at Ines para sabay-sabay na tayong umuwi.”

Hinila niya ako papunta kay Amour, at sakto namang natapos na itong magbayad paglapit namin. Agad akong napataas ng kilay nang mapansin ko ang lalaking nakatingin sa kanya mula sa kabilang side ng counter na sobrang lagkit ng tingin, halos hindi na maalis ang mga mata sa open back dress ni Amour. Walang sabi-sabi ay hinubad ko agad ang suot kong jacket at maingat na itinakip sa likod niya.

𝙿𝙾𝙻𝚈𝙰𝙼𝙾𝚁𝚈 (𝚂𝚂) : 𝙵𝙾𝚄𝚁 𝚆𝙸𝚅𝙴𝚂 | 𝚁𝙷𝙴𝙰 (𝙸𝙽𝚃𝙴𝚁𝚂𝙴𝚇)Where stories live. Discover now