CHAPTER 51

20.5K 1K 449
                                        


-

Makalipas ang limang taon, nagbalik ako sa lugar na pilit kong tinakasan noon. Kakalapag lang ng eroplano, at parang gusto ko na lang agad bumalik.

"Hey, are you okay?" Tanong ni Emilie, na nakamasid sa akin nang may kabuntot na alalahanin sa mga mata.

Tipid akong ngumiti, "Oo, na-miss ko lang kaagad ang mga taong naiwan ko doon." Sagot ko, habang pilit kinokontrol ang mga damdamin na nagsusumamo sa aking dibdib.

"Don't worry, you'll see each other again, and you can visit them anytime." Sagot niya at marahan tinapik ang aking braso.

Ngunit sa totoo lang, umalis ako ng hindi nagpapaalam sa kahit isa sa kanila. Biglaan ang lahat, at ayaw ko nang maging emosyonal. Hindi ko kayang ipaliwanag kung gaano ko sila minahal. Nag-iwan nalang ako ng mga sulat, lalo na kay Nanay. Alam kong magtatampo sila, pero alam ko rin sa kaibuturan ng puso ko na maiintindihan nila.

Nagising ako nang maramdaman ang maliliit na kamay na mahigpit na humawak sa magkabilang braso ko. Hindi pa man ako lubos na nagigising, agad na bumungad sa akin ang boses ng isang bata—walang bahid ng lambing, parang nag-utos lang sa isang alila.

“Hey, Satan, carry me,” sabi ni Wen, diretso at walang pakundangan. Napakurap ako, nag-iipon ng salita pero bago pa ako makapagsalita ay bigla siyang sinuntok ni Wreen sa balikat.

“Ouch! What did I do to you?!” Reklamo ni Wen, sabay tingin sa kanyang kapatid.

"Have you not learned your lesson from what you've done? Learn to respect Mama." Sermon ni Wreen, nakakunot ang noo at may halong paninising tingin kay Wen.

"You're bad at throwing punches. Let me do it so she learns her lesson." Abante ni Wryn, halatang gigil na.

Napamulagat si Wen at mabilis na nagtago sa likod ng kanyang ina, halatang alam niyang hindi biro ang suntok ni Wryn. Sa isang iglap, nagkaroon na naman ng tensyon sa pagitan ng magkakapatid. Napabuntong-hininga na lang ako—isang normal na umaga kasama ang tatlong demonyo kong anak.

"Okay, tama na ang away. Kayong tatlo na ang kakargahin ko para walang talo." Inilapit ko ang mga kamay ko at isa-isang binuhat ang tatlong bata—si Wen at Wryn sa magkabilang braso ko, at si Wreen naman, gaya ng nakasanayan, ay sumampa sa likod ko.

Dahil sa eksena namin, napapatingin tuloy ang mga tao sa paligid. Pero bakit ko naman ikakahiya ang sarili ko? Kung tutuusin, dapat pa nga akong maging proud dahil may tatlo akong anak na ubod ng ganda at talino. Mana sa mommies nila, syempre. May sumundo sa amin na sasakyan, at habang nasa biyahe ay hindi ko maiwasang titigan ang pamilyar na daan na ilang taon ko ring hindi nakita. Para bang bawat kanto ay may alaalang bumabalik, bawat puno at gusali ay may kwentong nais muling marinig.

Pagdating sa bahay, agad akong natulala. Limang taon ang lumipas, pero parang walang nagbago. Nakatayo pa rin ito ng matatag, malinis, at parang inalagaan ng mabuti kahit walang tumira rito ng ilang taon. Napangiti ako habang pinagmamasdan ang tatlong bata na nag-uunahan tumakbo papasok, ang kanilang halakhak ay musika sa aking pandinig. Sa sandaling iyon, pakiramdam ko ay bumalik na ako sa tamang lugar—sa tahanan na puno ng pagmamahal.

Dito ulit magsisimula ang lahat. Kasama ang pamilya ko, bubuo ako ng panibagong mga alaala—mga alaala na puno ng pagmamahal, saya, at walang katapusang pag-aalaga.

"Welcome home," sabay-sabay na bati ng tatlo, sabay ng matatamis nilang ngiti.

Ang makita ang masasayang ekspresyon sa kanilang mukha ay nagbigay sa akin ng kakaibang init sa puso. Pakiramdam ko, ligtas ako. Alam kong iingatan nila ako, mamahalin, at hindi kailanman pababayaan.

Napakagat labi ako upang pigilan ang luhang gustong pumatak. "Thank you… for looking for me, for bringing me back here, and for your endless patience. Thank you for your love, even when I sometimes took it for granted. I want to make it up to you. I want to create new memories with you… with our children." Nginitian ko sila ng totoo, ng isang ngiting mula sa puso.

𝙿𝙾𝙻𝚈𝙰𝙼𝙾𝚁𝚈 (𝚂𝚂) : 𝙵𝙾𝚄𝚁 𝚆𝙸𝚅𝙴𝚂 | 𝚁𝙷𝙴𝙰 (𝙸𝙽𝚃𝙴𝚁𝚂𝙴𝚇)Where stories live. Discover now