We’ve hit 1 MILLION READS! Thank you so much for your love and support for Rhea’s story. I wouldn’t have made it this far without you.
Also, I finally got my first tattoo! No regrets, it turned out super cute!
Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
-
Kanina pa ako pabalik-balik sa daan, hindi alam kung ano ang gagawin sa mga batang ito. Problemado na nga ako sa tambak na trabaho, ngayon ay lalo pang dumoble ang bigat ng sitwasyon.
Bakit? Bakit?! Bakit sa akin nila iniwan ang mga bata? I mean, oo, mga anak ko nga sila, pero hindi ba nila alam na kailangan ko rin ng pahinga? Ang dami nilang pwedeng iwanan ng mga bata—mga yaya, mga bantay, kahit sino sa kanila! Pero sa akin talaga?!
Habang tumatakbo ang isip ko sa lahat ng problemang ito, naramdaman ko ang pag-init ng ulo ko. Araw-araw na lang tumataas ang presyon ko. Hindi na biro ‘to!
Kaya, wala nang patumpik-tumpik pa, nagdesisyon akong pumunta sa ospital para magpa-checkup. Baka sakaling hindi lang ito stress, baka tuluyan na akong atakihin sa dami ng pasanin ko sa buhay.
Ang resulta… niresetahan ako ng LOSARTAN! For a week.
“Nasaan ang mommy mo, Wen? Bakit nandito ka na naman sa akin?” Napabuntong-hininga ako habang pinagmamasdan ang batang nasa harapan ko. “Diyos ko naman, hindi kita kakayanin.”
Binalingan ko si Wreen na tahimik na nakatayo sa gilid. “Why are you here? Hindi ba dapat kasama mo ang ina mo ngayon?” Tanong ko sa kanya, pilit pinapakalma ang sarili.
Muli kong sinulyapan si Wryn, ang batang kanina pa titig na titig sa akin na para bang inaabangan ang bawat galaw ko. Simula noong gabing sumugod siya sa akin at ipinakilala ang sarili bilang anak ko, hindi ko na siya naiwasan. Wala akong nagawa kundi ang alagaan siya… dahil kahit siya mismo, hindi alam kung nasaan ang kanyang ina.
Napalunok ako at tiningnan si Wryn, ang isa pang batang pilit ding dumidikit sa akin. “Sigurado ka bang wala kang alam tungkol kay Emilie? Paano kung ini-scam niyo lang ako?” Seryoso kong tanong.
“Bumalik si Mommy sa siyudad,” sagot ni Wreen, walang pag-aalinlangan. "She said she'll leave me with you for now." Napapikit ako at hinilot ang noo ko. Ano bang pinasok ko sa buhay na ‘to?
Biglang sumabat si Wen, hindi ko alam kung maiinis ba ako o matatawa sa inasal niya. "Why does it seem like you don’t want us?! After you released us inside our mommies, it’s like you’re just being forced to be with us! See? You’re really bad! Satan! Satan!" Hindi naman ako ang nag putok sa kanila— si Rhea!
Halos manigas ako sa kinatatayuan ko. Ang sakit niya sa tenga! Naiinis na ako, pero wala akong magawa—bata lang siya… BATA!
"Don't you want me?" Tanong ni Wreen, nakasimangot at halatang nadismaya sa reaksyon ko. "I just want to see you and be with you, because since Mommy gave birth to me, you've never been around."