-
"Rhea?! Nasaan ka na ba? Magsisimula na ang klase." Tanong ni Vinalyn sa kabilang linya. Kumunot ang aking noo dahil sa sinabi sa akin. Anong pinagsasabi niyang nasaan ako? Malamang nasa room ng susunod na klase.
"Nasa room uy, wala nga ako kasama." Sagot ko naman sa kanya.
"Ha? Anong room ka?" Tanong niya muli.
"Nandito sa 3rd floor, room 408." Sabi ko.
"Uy! Nasa 4th floor room natin ngayon, bilisan mo at nandito na ang instructor," Sabi niya.
Dali-dali ko kinuha ang saklay at lalabas na sana kaso bigla ko nakita si Ines, kasunod ang maraming estudyante. Kinabahan ako bigla kaya napabalik ako sa loob ng classroom, naghanap ng pwede pagtaguan ngunit wala ako makita. Nakita ko ang long table sa gitna kaya doon ako nagtago at gumapang sa ilalim.
"Hintayin ko lang sila makadaan tapos akyat na ako sa taas." Bulong ko sa sarili ngunit napasuntok ako sa aking ulo dahil isa-isa pumasok ang mga estudyante, mukhang dito sila magkaklase.
Ilang segundo pa ay narinig ko ang takong na papalapit sa direksyon ko, malamang si Ines ang babaeng ito. Patay at makikita ako ng bebelab ko, ano na lang ang iisipin niya kapag nakita akong nandito sa ilalim ng kanyang lamesa? Baka isipin minanyak ko siya ha!
Pilit ako sumiksik sa gilid kahit wala na ako matatakbuhan, nakita ko itong huminto sa aking gilid kaya napayuko ako ng ulo at pikit ng mga mata. Pastilan indai Ines, hindi mo ako makikita, wala ka makikita at isa lang akong anino nakatago sa ilalim ng desk mo.
Mabuti nalang kasya ako sa ilalim ng kanyang lamesa. Pastilan, yung tuhod ko masakit na at hindi ko magawa maitukod ang paa kong isa. Kabado na ako rito tapos bigla-bigla nalang nag vibrate itong cellphone ko na hawak, kaagad ko tinignan kung sino ang nagpadala ng message at nakita ang pangalan ni Ines,
Ines
What are you doing under my table?
Nanlaki ang aking mga mata at dahan-dahan siyang sinilip pero hindi ko naman ito nakikita dahil sa nakatayo pa rin hanggang ngayon sa aking gilid.
Pula
Paano mo nalaman?
Ines
I noticed you before I entered the classroom. So, what's your reason for being here, hiding?
Napakamot ako ng kilay, nakita niya pala ako kanina nong palabas na sana.
Pula
Akala ko kasi dito yung susunod na klase, mali napasukan kong room. Palabas na sana ako kanina kaso bumalik ako dahil parating ka na.
Ines
You could've continued walking and made your way to your classroom earlier. So why did you come back and hide here instead?
Yawa uy, bakit hindi na lang ako tantanan sa mga tanong niya at tulungan ako makalabas dito.
Pula
Bebelab, help mo naman ako makalabas oh? Pero ayaw ko makita ng students nandito ako dahil baka ano isipin nila.
Nahihiya man ako ay tinawag ko talaga siya ng bebelab para matulungan lang ako sa kinakaharap na problema. Biglang may nahulog na libro sa gilid, nagulat ako kaya nauntog ang aking ulo-mabuti nalang hindi malakas hung kalabog.
Tinignan ko ang libro, pupulutin ko sana kaso baka bigla makita ng ibang students kamay ko. Hindi ko inaasahan ang sumunod na nangyari, nagkatitigan kami ng ilang segundo dahil bigla yumuko si Ines para kunin ang librong nahulog.
Sumenyas ako na lumapit saglit kasi ibubulong ko sa kanya masakit na ang paa ko. Ngunit hindi ko inaasahan ang sunod niya ginawa, marahan niya ako hinawakan sa likod ng aking ulo at sinalubong ng kanyang labi ang labi ko.
