CHAPTER 23

23.3K 1K 542
                                        

-

Kanina pa ayaw kumalma nitong puso ko. Alam kong sinabihan ako ni Aza na huwag mag-alala dahil kasama ko siya, pero hindi pa rin mawala sa sarili ko ang pangamba lalo na at alam ko talaga sa sarili na may malaki akong kasalanan sa kanila.

Kanina pa kami nandito sa kwarto, sinadya ko talaga silang ipasok dito dahil ayaw ko humarap sa mga asawa ni Kris- lalo na kay Olivia na malalim akong tinitignan kanina, para bang may alam na siya sa mga nangyayari kahit wala pa naman akong sinasabi.

Nakaupo ako sa kama, nasa magkabilang gilid ko si Aza at Ines, tapos si Amour naman ang nasa aking harapan. Gusto ko sana sabihin ng diretso na 'Uy, asawa ko si Emilie at ikinasal kami kahapon. Hindi lang 'yun kasi may nangyari sa amin na higit pa sa halikan' Tangena talaga, kung ganyan lang sana kadali sabihin ang lahat edi sana tapos na kami kanina pa.

"Rhea," Ngayon lang ata ako tinawag ni Amour sa aking pangalan, kaya alam kong malaki talaga ang galit niya.

Nag angat ako ng paningin sa kanya. "Yes." Sagot ko.

"Why did you cover up for Emilie earlier? Do you really think we'd believe what you said? We all know Emilie took you because her own people spoke out." Matigas niyang salita at hindi man lang inalis ang paningin sa aking mga mata.

Huminga ako ng malalim bago sumulyap kay Ines, tahimik lang din itong nakatingin sa akin at naghihintay sa kung ano ang aking sasabihin. Sunod kong binalingan si Aza, matamis niya akong nginitian kaya bahagya akong tumango upang ipaalam sa kanya na ayos lang.

"Aamin ako. Okay, tama kayo at si Emilie ang tumangay sa akin. Nagawa niya 'yun dahil sa pagmamahal sayo, gusto niya malaman ang totoo at sinabi kong asawa mo ako. Hindi ako sinaktan ni Ems, tinulungan niya ako mula sa mga masasamang tao. Tungkol kay Kris, walang kinalaman si Emilie sa pagkawala niya at sa maniwala man kayo o hindi ay nakita lang din namin si Kris sa gilid ng kalsada." Paunang kwento ko, hindi ko na sinabi na binenta ako sa arena, ang mahalaga lang naman malaman nila ang dahilan kung bakit ako pinadampot nito.

"Nagalit din naman ako sa ginawa niyang pagtangay sa akin dahil buong akala ko ay babalik ulit ako sa magulo kong buhay. Pinatawad ko si Emilie, I understand her at hindi niya intensyon ang saktan ako. Nagawa niya lang 'yun dahil sayo." Sunod kong paliwanag at nakita ang gulat niyang ekspresyon sa mukha. Mukhang hindi niya inaasahan na alam ko na ang tungkol sa kanila.

"Ang importante ay buo at ligtas ako."

"Explain why you two were being so sweet together if she did that for me?" Sunod na tanong ni Amour na alam kong hindi ko maiiwasan.

Napakamot ako sa aking ulo, hindi alam kung ano ang tamang isasagot.

"Ang totoo..." Hindi ko matuloy ang sasabihin dahil sa inaalala kung ano ang kanilang magiging reaksyon.

"Tell us everything." Saad ni Ines.

Lumunok ako ng sunod-sunod bago humugot ng malalim na hininga at nilaro ang mga daliri, hindi ko kasi alam kung kanino titingin sa kanila.
"Tungkol kay Emilie- ang totoo ay ginawa ko siyang pang-apat na asawa?" Pag-amin ko kasabay ang pagpikit ng mga mata at hinintay kung may sasampal sa mukha ko.

"What the hell? Why?" Mababa lang ang boses pero ramdam ko 'yung pagbabanta ni Amour.

"Kasi may nararamdaman din ako sa kanya. Sa totoo lang ay mas una ko nakilala si Emilie kaysa sa inyong tatlo." Pagtatapat ko ng totoo, hindi naman kasi ako basta-basta pumapayag tulad nong ginawa namin ni Ems kung hindi ako interesado.

Inangat ko ang mga mata sa kanila. Isa-isa silang tiningnan at hindi ko mabasa ang kanilang mga mukha dahil lahat silang tatlo ay mga naka pokerface lang. Hindi ibig sabihin no'n sa sinabi ko ay wala akong nararamdaman sa kanila, meron at nangunguna ang pagkagusto ko kay Aza, sadyang tinadhana lang talaga sigurong magkagusto ako sa apat.

𝙿𝙾𝙻𝚈𝙰𝙼𝙾𝚁𝚈 (𝚂𝚂) : 𝙵𝙾𝚄𝚁 𝚆𝙸𝚅𝙴𝚂 | 𝚁𝙷𝙴𝙰 (𝙸𝙽𝚃𝙴𝚁𝚂𝙴𝚇)Where stories live. Discover now