CHAPTER 23: FESTIVAL 1

15 6 0
                                    

Zahaira's POV

Pagkatapos naming kumain ay nag
patuloy naman ang mga representatives
sa pag-papractice. Parang walang buhay
ang lahat saamin dahil sa pagod, wala
kasing pahinga e dalawa lang ang break
time tapos magpapractice ulit then kami
namang mga students council palitan ng salita sa unahan, pinapaalala lang
namin sakanila yung sa festival.

Para kaming lantang gulay ng uwian na
mabuti na lang talaga ay pinauwi na kami ni Jeanne kundi nako! magrerek-
lamo na talaga ako, pinauwi ba naman
kami maggagabi na hanep diba. Pero
kung mamalasin nga naman oh, wala
na akong pera. Tsh no choice maglalakad
ako huhu.

Nakasimangot akong nag-lakad, habang
nakapamulsa nakakainis dapat hindi na
ako bumili sa cafeteria ubos tuloy. Pag
naman chinat ko si Ate alam ko naman
na magagalit ang isang yon at hindi ako
susunduin lalo na may punishment nga
pala ako. Malapit na ako sa mansion ng
may huminto na batang lalaki sa harap
ko..

Teka, familiar sakin yung mukha.

"Hi Ate.." Nakangiti niyang sabi. Weird

"W-Who are you?"

"Asan na po yung bike ko?" Nanlaki ang
mata ko, siya yung batang lalaki na
hiniraman ko ng bike! Huhu lagot hindi
ko pa pala naibabalik sakanya, kumamot
ako sa anit at saka ngumiti ng pilit

"Sorry ah, nakalimutan ko kasing
ibalik sayo eh"

"Okay lang po Ate, ngayon niyo na lang
po ibalik.."

"S-Sige..."

"Sasama na lang po ako sainyo papunta
sa bahay ninyo" Sabi ng bata, ngumiti na
lang ako at nagsimula na kaming mag-
lakad, mabuti na lang talaga ay may ilaw
sa mga poste kung hindi naku! wala na
talaga akong makikita nakakainis kasi
lumalala na yung mata ko. Pana'y din
ang paglingon ko sa bata hindi kasi siya
nagsasalita, gusto ko sana tanungin yung pangalan niya para kasi siyang may kamukha.

Nasa tapat na kami ng gate sinabi ko
sakanya na pumasok siya kaso ang sabi
niya ay maghihintay na lang daw siya dito sa labas, wala naman ako nagawa
kundi pumasok na lang at dumeretso sa
garahe nandoon kasi yung bike eh. Mabuti na lang din nasa hospital pa ang
family ko at ang katulong at ako lang
ang nandito sa mansion, pag kasi nandito sila lalo na si dad puputak
nanaman siya na parang manok. Duh

Nilabas ko na ang bike, tatanungin ko
pa sana ang pangalan niya pero mukhang nagmamadali siya, gabi na
rin kasi at delikado yon lalo na bata pa
lang siya, siguro mga 11 years old palang siya. Pagpasok ko sa mansion
syempre tahimik, dumeretso na lang
ako sa bilyaran at nag billiards minsan
talaga nawiwili ako maglaro ng ganito
eh kahit mag-isa lang, pero mas
maganda kung meron kang kalaban
kadalasan kasi kaming dalawa ni Ate
ang naglalaro ng ganito, hindi naman
marunong si Zarina kaya hindi ko na rin
niyayaya pana'y ang pagpapaganda non
laging bumibili ng makeup kahit bata pa,
palagi din meron bagong takong. Hays

Hindi naman namin siya sinasaway dahil
napapansin namin na yun yung kasiyahan niya minsan din kasi talaga
sinasabi niya saamin na wala siyang
confident sa sarili niya para siyang
naiinsecure sa mukha niya. Kaya hindi
namin siya pinagbabawalan na mag
makeup kahit na maganda siya mas
pinili namin na manahimik na lang at
hindi pigilan si Zarina sa mga ginagawa
niya.

Pagkatapos kong mag bilyar ay tumaas
na rin, gusto ko na lang matulog maaga
rin kasi festival na pala, sigurado akong
ang daming mga bisita na mga Dean's
bukas, mabuti na lang talaga ay hindi ako sumali sa mga representative na yan kung sasali din kasi ako ay mahirap
kasi ipagsasabay ko yung pag-meeting
namin ng mga students council at pag
practice hindi kakayanin ng katawanan ko yon.

PART 1: Stay With Me (ON-GOING)Where stories live. Discover now