"Ilan pa ba kayo?" She demanded pero hindi ito nagsalita
Napaungol lang ito at hinihingal sa sakit habang ayaw parin magsalita. Kahit anong diin ni Kath sa kamay ay hindi man lang ito nagtangkang magsalita.
"Fine. Walang silbi." Dumura siya habang inilalabas ang kamay kasama ng puso nito.
Agad itong bumagsak sa sahig.
"Oh my god..." Sa wakas nagawa kong masabi sa gulat
"Ayos ka lang ba?" Tanong niya na nagpalingon sakin
Tinitigan ko lang siya ng hindi makapaniwala. Puno ng dugo ang mga kamay niya pero parang hindi naman siya apektado dito.
"Oh, God! Cassy Are you alright?!" Pumasok si Papa sa kwarto at niyakap ako
"A-Ayos lang ako...."
Hinalikan niya ang Noo ko, mahigpit na mahigpit ang pagkakahawak sakin.
"Bakit hindi ka muna bumaba? Maglilinis ako dito." Iminungkahi niya
Tumango lang ako ng marahan at bumaba sa sala. Sinubukan ko pa ring intindihin ang lahat ng ito.
Nandoon si Lance na naglilinis ng mga nahulog at nabasag. Hindi ako nagsalita habang nakaupo sa sofa. Gamit ang aking hybrid na pandinig ay nagawa kong makinig sa pag-uusap sa itaas..
"𝘔𝘢𝘳𝘢𝘮𝘪𝘯𝘨 𝘴𝘢𝘭𝘢𝘮𝘢𝘵 𝘬𝘢𝘵𝘩𝘦𝘳𝘪𝘯𝘦 𝘴𝘢 𝘱𝘢𝘨𝘱𝘳𝘰𝘵𝘦𝘬𝘵𝘢 𝘴𝘢𝘬𝘢𝘯𝘺𝘢. 𝘏𝘪𝘯𝘥𝘪 𝘬𝘰 𝘬𝘢𝘺𝘢𝘯𝘨 𝘪𝘴𝘪𝘱𝘪𝘯 𝘬𝘶𝘯𝘨 𝘢𝘯𝘰 𝘢𝘯𝘨 𝘮𝘢𝘯𝘨𝘺𝘢𝘺𝘢𝘳𝘪 𝘬𝘶𝘯𝘨 𝘸𝘢𝘭𝘢 𝘬𝘢 𝘳𝘪𝘵𝘰." 𝘚𝘢𝘣𝘪 𝘯𝘨 𝘱𝘢𝘱𝘢 𝘬𝘰
"𝘈𝘭𝘸𝘢𝘺𝘴." 𝘈𝘯𝘨 𝘵𝘢𝘯𝘨𝘪𝘯𝘨 𝘴𝘢𝘨𝘰𝘵 𝘯𝘪 𝘒𝘢𝘵𝘩𝘦𝘳𝘪𝘯𝘦
"Kamusta kana? Nasaktan ka ba?" Tanong sakin ni Lance
"Okay lang ako."
"Sigurado ka ba diyan?" Sabi ni Katherine na nakasandal sa pintuan
Napansin kong malinis na ang kamay niya
"I'll go help your dad clean upstairs." Dahilan ni Lance
"I'm sorry kung kinailangan mong makita yon." Sabi niya sabay upo sa tabi ko
Parang kinakabahan siya at halos nahihiya. Banayad niyang hinawakan ang kamay ko.
"Kailangan kong ilabas ang bala para mapagaling ka." Mahina siyang nagsalita
Nakalimutan kong binaril ako sa braso.
"Sige.." Tumango ako
Pinasok niya ang kanyang daliri sa sugat ko at kinuha ang bala. It hurt like hell pero nagawa kong manahimik.
Nakarinig ako ng Pg 'tsk' ng hawakan niya iyon. Nagmura siya habang inihagis ito sa lupa.
"Akala ko ba hindi ako kayang patayin ng bala?" Tanong ko
"Iyon ay kung ordinaryong bala lang... Well, kailangan kong ipakita yon sayo mamaya."
"So, Ano pa ang pwedeng makapatay satin? Yun lang ba?"
"Para sayo Oo. Para sa mga Bampira at taong lobo ang ating mga puso, gaya ng nakita mo ay maaaring mapunit na papatay satin." Sabi niya
Sobra para sa pagiging immortal. Nanatili kaming tahimik saglit.
BINABASA MO ANG
Hybrid (GirlxGirl)
ФэнтезиThis is Girlxgirl Fantasy story (Taglish) Date Started - December 02, 2023