Gumawa ako ng Spaghetti nang matapos ay nilagay sa dalawang plato. Nagtungo ako sa Sala at nakitang natutulog si Laine sa balikat ni Cassy. Inilapag ko ang dalawang plato sa coffee table.
"Tulog na?" Tanong ko
"Pinikit ko lang ng mga mata ko..." Bulong ni Laine habang bumabangon.
Tumango ako. "Kumain ka na, saka ka matulog."
Kinuha ni Cassy ang plato niya at nagsimulang kumain. Pinaglaruan ni Laine ang pagkain.
"Sa tingin ko hindi ako ganun kagutom ngayon.." Sabi ni Laine
"Kailan ka huling kumain?"
"Tanghali..." Alas onse na ngayon
"Kumain ka kahit kalahati lang.."
Tumango siya at kumain na nga. Maya-maya natapos na din kami.
"Cassy, pwede ka bang pumunta sa bahay ko at kuhanin ako nv damit?" Tanong ni Laine
"Oo naman." Nakangiting tumayo si Cassy
"Oh at kung nandoon ang Mama ko, pwede mo bang sabihin na magkasama tayo dito?"
Tumango si Cassy at lumabas ng pinto. Ilang sandali ang katahimikan, nang magtanong ako..
"Alam ko na hindi ito ang tamang oras para tanungin ka at hindi mo kailangan sagutin pero kailangan ko lang malaman. Back during P.E nang mag-usap kayo ni Heather tungkol sa nangyri noon... Ginawa ba ni Danny-----"
"No... He didn't..." Sabi ni Laine pinaglalruan ang mga kamay niya. "Sinubukan niya lang akong kausapin na sumama sa kanya pero hindi kami umalis ng school. Nakita kami nun ni Heather at pinigilang umalis.."
Tumango ako. Bumaba ang tingin ko sa pulso niya na hinahawakan niya.
"Hayaan mo akong tingnan." Sabi ko sabay hawak sa kamay niya.
Nagsisimula na itong maging purple. "Gusto mo ng Yelo?"Umiling siya. "Ayos lang ako. Salamat."
Bumalik si Cassy at nagtungo kaming tatlo sa magiging kwarto ni Laine para siguraduhing magiging maayos si Laine.
"Magsabi ka lang samin kung may kailangan ka..." Sabi ni Cassy
"At huwag kang mahihiyang kumuha ng makakain sa kusina.." Dagdag ko
"Salamat, guys." Ngumiti si Laine
Nagsimula na kaming umalis pero nagsalita ulit ito..
"Um... Pwede ba kayong manatili hanggang sa makatulog ako.." Nahihiyang pakiusap ni Laine
"Oo naman."
"Okay.." Sabay naming sabi ni Cassy.
Inayos ni Cassy ang sarili sa upuan sa may bintana, habang ako bumaba para kumuha ng libro at kumot. Binigay ko kay Cassy ang kumot at umupo sa upuan sa sofa sa kwarto para magbasa. Sa ngayon ay alas dos na ng madaling araw at mahimbing na natutulog ang dalawa.
Mukhang hindi komportable si Cassy.Sigurado akong hindi Nasundan ni Jackson at ng iba pa si Laine nang ganoon kabilis at duda akong alam nila kung saan ako nakatira. Gayunpaman, Hindi ko magawang Umalis at iwan nalang dito si Laine.
![](https://img.wattpad.com/cover/357413268-288-k23523.jpg)
BINABASA MO ANG
Hybrid (GirlxGirl)
FantasyThis is Girlxgirl Fantasy story (Taglish) Date Started - December 02, 2023