𝗖𝗛𝗔𝗣𝗧𝗘𝗥 39

13 2 0
                                    

Pagdating namin sa Club ay masaya akong kumuha ng maiinom. Pero nararamdaman kong may mga Bampira sa paligid, kaya naman hindi kona hinayaan ang sariling lumayo kay Laine. Lumapit ako sakanya para ipaalam na kailangan na naming umalis pero nagulat ako sa bagong dating na parang naging kaibigan na niya dahil natatawa siya sa kung anong sinasabi ng lalaki sa kanya at parang ang saya-saya niya.

Baka magkakilala sila?

Hindi ko alam kung gaano ako katagal na nakatitig pero lumapit na ako dito nang magdesisyon ang misteryosong bampira na magpakilala sa kanya..

"Hey sorry, pero kailangan na naming umalis." Sabi ko sabay hawak sa kamay ni Laine.

"Woah hey,, I'm sure gusto niya pang uminom ng isang bote o dalawa?" Sabi ng bampira habang nakatitig sakin.

"Sa tingin ko , ayaw niya." Sagot ko naman

"She can talk by herself." Hinawakan niya ang braso ni Laine

"Bitawan mo siya.."

Napangiti siya.   "Cone on, isang kagat lang at sayong sayo na siya! Tama na para sating dalawa.." Ipinuwesto nito ang braso ni Laine palapit sa bibig niya.

Nagsimulang magpanic si Laine

"K-Kat!"

"Oh Ngayon naiintindihan ko." Sabi niya.  "Hindi siya sayo hindi ba? Then seguro gusto mo din uminom.." Gamit ang malayang kamay ay bumunot siya ng kutsilyo at nagsimulang putulin ang braso ni Laine,

Sa isang iglap nasa harapan niya na ako at pinunit ko ang puso niya nang makahanap ng pagkakataon. Gusto ko ng mas mahabang laban kung iba lang ang sitwasyon namin..

Lumapit ako kay Laine na umiiyak at nakahawak sa braso niya.

"Hey calm down! S-sandali lang!"

Crap,

crap,

crap..

Hindi ako makapag focus! Puro dugo niya lang ang naaamoy ko! Pinunit ko ang manggas sa sweater ko at itinali ito sa braso niya. Ang daming dugo na lumalabas, hindi ko alam kung natamaan ba ang ugat niya but better to be safe than not.. Kinagat ko ang sriling braso para dumugo ito at inilapit sa bibig ni Laine. Syempre, nagsimula siya magpumiglas at pilit na humiwalay.

"Uminom ka lang! Magtiwala ka sakin!" Sigaw ko.

Nabawasan ang mahinang pag-iyak niya habang sumusunod..
Makalipas ang ilang segundo ay inilayo niya ang ulo niya.

"Hindi ko na kaya. Masusuka na ako.." Nabulunan siya.

Napatingin ako sa hiwa niya, dumudugo pa ito pero hindi na sunod-sunod ang labas ng dugo..

"Sa tingin ko magiging okay na yan.."

Binuhat ko na siya at dinala ko sa isang bakanteng kwarto dito.. Inilagy ko siya sa kama at hinagis ang manggas ko at saka tumayo sa pinakasulok, nasa dingding ang ilong ko..

"Balot mo na lang at linisin ang sarili mo.."

Narinig kong bumango siya at naghugas ng kamay sa lababo. Maya-maya ay bumalik siya..

"Um, Hindi ko matali ito sa isang kamay." Bulong niya.

Huminga ako nang malalim at lumapit sa kanya para tulungan siya. Sinigurado kong nakabalot ito ng maayos at sinimulang itali...

"I-ikaw ba... Ay.... N-nauuhaw?" Tahimik niyang tanong ng matapos ako.

Tumingin ako sa kanya..  

"B-bakit mo naman ako tinatanong ng ganyan? Pinipilit kong alisin yan sa isip ko at hindi ka naman nakakatulong!"

Hybrid (GirlxGirl)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon