𝗖𝗛𝗔𝗣𝗧𝗘𝗥 33

15 1 0
                                    

Mahaba ang paglalakbay namin. Nakalimutan namin ang daan papunta sa bahay ni Riley at hindi namin alam kung saan ang daan pabalik kaya mas lalo kaming nahihirapang bumalik sa lugar namin para humingi ng tulong. Parang ilang linggo na kaming naglalakad.

Tumingin ako kay Lance at nagtanong.

"So sa tingin mo gaano pa katagal tayo makakarating?"

"Um hindi ko alam. Cassy?" Napatingin siya kay Cassy

"What? Hindi ko alam, Sinusundan ko lang kayo."

"Ako din." Sabi ni Lance

"Sinusundan ko din kayo.. So Sinusundan natin ang Isa't isa? Magaling. Kung ganun Naliligaw tayo.."

"Ano?! So dito na tayo mamamatay?"

"No Cass, Magiging ayos lang tayo."

"Alam mo ba ang daan palabas?"

"Hindi."

Feeling ko kung mata-trap kami sa isang isla, siya ang unang mababaliw.

Sa kalaunan ay nakahanap na kami ng daan palabas, nagpadala ang Papa ni Cassy ng ilang gwardiya para hanapin siya at sa kabutihang palad ay may nakahanap samin. Hindi na namin binanggit ang bahay ni Riley sa guard dahil sigurado akong hindi rin kami malapit dito at wala siya doon kaya walang kwenta.

Pagbalik namin sa bahay ni Cassy.ay dumidilim na sa labas at sinalubong kami ng Papa niya.

"Buti nakarating na kayo!.... Um.... Anong Nangyari sa inyong dalawa?" Tanong niya samin ni Cassy

Napabuntong-hininga ako

"I have a psychotic sister who almost killed me and your daughter, kahit na sinabing niyang hindi niya kami papatayin, may nilagay siya sa mga pagkain namin ni Cassy at eto ang nangyari."

Mukha siyang nataranta.    "Wow... I've never seen this before..."

"Tingin mo po, Magagawan mo ng paraan?" Tanong ni Cassy habang kumakawag ang buntot

"Hindi ako sigurado, Kailangan ko kausapin ang ibang nakakaalam. Nasaan ang Ate mo at.anong pangalan niya?"

"Riley.. Hindi ko alam kung nasaan, Pagkagising namin wala na siya.."

"Hmm okay.. Bakit hindi muna kayo Umakyat sa taas at susubukan namin hanapan ng solusyon, Lance come with me since parang may alam kayo."

Tumango si Lance at sumama sa kanya habang papunta kami ni Cassy sa kwarto niya.

"So.." Humiga ako sa kama niya

"Ano?" Umupo siya sa tabi ko

"Kung wala siyang maging solusyon at sabihin na nating may nangyare kay Riley, Ano ng gagawin natin dito?"

Habang hawak ko ang buntot niya ay gumawa siya ng ingay na hindi ko pa naririnig na ginawa niya.

Napatingin ako sa kanya at sobrang pula ng mukha niya.

"S-stop! D-don't touch...."

Anong nangyari sa kanya? Tinutukoy niya ba ang buntot niya?

"B-bitawan mo!"

Binitawan ko ang buntot niya at pagkatapos ng ilang minuto, Nagtanong ako..

"So what was that about?"

Tumingin siya sakin, namumula pa rin ang mukha niya.

"H-huwag mo na lang hawakan.. It felt.... Weird."

"Well, kakaiba ka talaga."

Sinamaan niya ako ng tingin,

"You know what? Why don't i give you a taste of your own medicine!" At diretso siya sa buntot.

Hybrid (GirlxGirl)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon