CHAPTER 24: FESTIVAL 2

13 6 0
                                    

Zahaira's POV

Pagkagising ko ay tulog pa ang lahat
except na lang kay Nathan dahil wala na
siya sa higaan niya, gumising talaga ako
ng maaga para kunin na yung mga gamit
ko nakakahiya naman kasi kung dito na
ako palagi matulog sa tabi ni Reishary.
Lalabas na sana ako ng classroom ng
mahagip naman ng mata ko si Enzo na
ang amo amo ng mukha, bumuntong hininga ako at saka lumabas na
dumeretso ako sa CR para maghilamos
malapit na ako sa CR ng makita ko ang
dalawang babae na nakaharang sa
pintuan, bahagya din nakasara ang pinto

Nang makalapit na ako bubuksan ko
na sana ang pinto ng humarang ang
dalawang babae hindi pamilyar sakin
ang mukha pero alam kong estudyante
rin siya dito. Bakit naman kaya ako
hinarangan ng mga to?

"Excuse me." Mariin kong sabi ngunit
hindi pa rin sila umaalis, "Excuse me."

Nagsalita yung babaeng may lollipop
na hawak "Sa iba ka na lang mag CR."
Saad niya na nagpataas naman ng isa
kong kilay, bakit ako sa iba mag C-CR
kung pwede naman dito na lang? At
saka sino ba sila para utusan ako?

"Dito ang CR ng Section B at kabilang
ako don, so excuse me." Mataray kong
sabi pero ngumisi lang ang dalawa

"Sa iba ka na lang." Sabi pa ng isa,
bumuntong hininga ako sa inis at saka
tinalikuran sila wala naman saysay kung
makikipag palitan pa ako ng salita
sakanila.

Hahakbang pa lang ako para umalis
ngunit may narinig akong sigaw na
nanggagaling mula sa loob ng CR,
wala akong ideya pero bigla na lang
akong kinabahan lalo't na ang sigaw
na yon ay boses babae. Napapikit ako
sa inis at saka humarap ulit sa dalawang
babae sa hindi malaman na dahilan ay
kitang-kita ko sa mga mukha nila na
pinagpapawisan sila at namumutla ang
labi, tumaas ang isa kong kilay sa itsura
nila bakit parang natatakot sila?

Ngunit wala na akong pakialam sakanila
inis kong tinabig ang kamay nilang
nakaharang sa pinto, pagkatabig ko sa
kamay nila ay agad ko rin binuksan ang
pinto at nadatnan ko ang babaeng
sinasabunutan si........ Heaven?

Napapikit na lang ako sa inis, bakit ba
takaw rin sa gulo to?. Tinigil ng babae
ang ginagawa niya at lumingon saakin
kaninang tapang tapangan niyang muka
ay naging maamo na ngayon, patulak
niyang binitawan si Heaven kaya naman
nauntog pa ang noo ni Heaven sa cubicle. Sinamaan ko agad ng tingin ang
babae ng gawin niya yon, wala akong ideya kung bakit niya ginagawa kay Heaven yon kanina pero ang pumasok
sa isip ko ay kaya naman pala ayaw ako
papasukin ng dalawang babae sa labas
dahil may ginagawa ng kalokohan ang
babaeng ito kay Heaven.

May naramdaman na lang akong may
humawak na sa dalawa kong braso,
nilingon ko agad kung sino ang nasa
likod ko at ang dalawang babae iyon,
masama ang tingin ng dalawa saakin
"Labas!" Sigaw ng babae dahilan para
mabigla ako bukod kay Jeanne wala
ng estudyante ang sumisigaw mismo
saakin, kaya naman saan kumuha ng
lakas na loob itong babae ito para
sigawan ako?!

"Labas sabi!" Sigaw naman ng isa at
pilit akong inilalabas ngunit nanlalaban
ako.

"Don't fvcking touch me!" Inis kong sabi
at saka tinulak ang dalawa tuloy ay
tumama ang likod nila sa pinto kaya
naman napadaing sila sa sakit, pero
wala na akong pake don umirap ako at
saka humarap kila Heaven. "Bakit mo
ginawa yon kay Heaven?" Mataray kong
tanong sa babae na nanginginig na
ngayon.

"Hoy Tine! sino ba kase ang babaeng
yan?!" Sigaw ng nasa likod ko.

"Oo nga, sumakit pa likod namin!"

Kumunot ang noo ng babae at saka
tumingin sa dalawang babae "Shut up!
Jacelyn, Jackie!" Sigaw niya at saka
humarap ulit saakin "S-S-Sorry Zahaira
u-uhm.....a-ano kasi..." Mukhang wala
siyang madahilan, nasapo niya ang kaniyang noo at saka tumango saakin
ng bahagya "I'm sorry Zahaira.."

PART 1: Stay With Me (ON-GOING)Where stories live. Discover now