CHAPTER 25

16 5 0
                                    

Zahaira's POV

"Zahaira!" Nag echo iyon sa pandinig ko
nahihilo na ako at unti unti ng dumidilim
ang paningin ko, napaupo na lang ako
dahil sa lakas ng impact ng pagtama
sa mukha ko ay parang naalog na utak ko.

Narinig ko na lang ang mga yabag na
papalapit saakin, hindi ko kita dahil
pumikit na ako kumikirot na kasi ang
ulo ko. "Belle! hey! anong nangyari?"
Boses yon ni Enzo, pero hindi ko magawang makapagsalita.

"Haira? ano bang nangyari?" Boses naman yon ni Claude

"Dalhin nanatin siya sa clinic" Dinig ko
rin ang boses ni Nathan, naramdaman
ko na lang ay may bumuhat na saakin
nasusuka ako dahil sa hilo kaya naman
hindi ko na kaya at nawalan na ako ng
malay.

MINULAT ko ang mga mata ko, nilibot ko
agad ang aking paningin tsh nandito
nanaman ako sa clinic, grabe siguro pag
tinignan ko ulit yung listahan puro Valeria ang nakalista. Pinilit kong bumangon kaso ang sakit ng ulo ko
kumikirot.

Naalala ko nga pala na meron bumato
saakin na bola, feeling ko ay bola na
pang basketball yon ang tigas eh, tapos
ang lakas pa ng impact. Sino naman
kaya ang walanghiyang yon at ang lakas
ng loob batuhin ako ng bola? kakalbuhin
ko talaga pag nalaman ko kung sino.

Bumangon na lang ako kahit kumikirot
pa ang aking ulo, tumayo ako at saka
hinawi ang kurtina bumungad saakin
ang nurse, nakaupo ito habang deretsong nakatingin saakin, siguro ay
sasabihin nanaman niya ako na parati
na lang ako nandito. Ano ba magagawa
ko eh puro disgrasya ang dumadating
saakin, grabeng September to.

"Gising ka na pala" Saad niya at saka
tumayo, tumaas ang isa kong kilay
Hindi. Hindi pa ako gising, hindi ako to.
Yan ang gusto kong sabihin sakanya
ngunit pinili ko na lang itikom ang bibig
ko dahil baka pag nagsabi pa ako ng
ikakainis niya ay mapunta na kami sa
office ni Lolo. Ayoko pa naman mawalan
ng tenga

"May bukol ang iyong noo kaya nilagyan
kita ng benda, ang ilong mo naman ay
kaya dumugo siguro dahil na rin sa lakas ng impact ng bola."  Ani niya ng
makalapit siya saakin, ngayon ko lang
napansin na may benda nga ang aking
noo. Ngumiti na lang ako at saka nag-
pasalamat, balak ko sanang umalis na
ngunit napansin niya atang may balak
nga akong umalis kaya pinigilan niya
agad ako "Hindi ka maaring umalis,
dahil kailangan mong may makasama
papunta sa inyong bahay. Zahaira"

Kumunot ang noo ko, bahagya kong
itinabingi ang aking ulo na para bang
pinag-aaralan ang kanyang mukha,
kumunot naman ang noo niya at pinag-
taasan ako ng kilay. Tumikhim ako at
saka umayos na ng tayo

"Hindi ako uuwi, kailangan pa naming
tapusin ang task." Seryoso kong sabi
sakanya ngunit ngumiti lamang siya at
muling bumalik sa kinauupuan niya
kanina, saglit pa siyang tumingin sakin
at saka bumaling sa papel.

Huminga siya ng malalim at nagsalita
"Tapos na ang festival." Sabi niya na kinabigla ko naman, ang akala ko ay
bukas pa matatapos ang festival dahil
sa rami ng task at marami din mga Dean's na pupunta ngunit ano tong
sinasabi ng babaeng ito? bakit tapos na?

Marahil ay napansin niya ang pagka-
bigla ko kaya't ngumiti siya at muling
nagsalita. "Nalaman ng Dean na sinugod
ka rito sa clinic, may nagsabi din sakanya kung bakit ka nandito sa clinic
galit na galit ang Dean kaya naman ay
tinapos niya na ang festival ng matapos
na rin ang task sa paglalaro ng basketball." Pagpapaliwanag niya

Pagkatapos niyang sabihin iyon ay
tumingin na ulit siya sa papel, ako naman ay naiwang nakamaang ang
bibig hindi ako makapaniwala na dahil
lang na sinugod ako dito sa clinic ay
pinatapos na ni Lolo ang festival, paano
naman ang pagpaplano nila Jeanne
hindi ko dapat to sabihin pero naawa din
ako kasi pinagpaguran nila ang pagpa-
plano kung anong mangyayari sa festival tapos mauuwi lang sa ganito.

PART 1: Stay With Me (ON-GOING)Where stories live. Discover now