* * *
Sabado, ngunit wala pa sa mansyon si Miller. Ito na ang ikatlong Sabado na madalas siyang nasa labas.
"What are you up to these days?" tanong sa kanya ni Axel nung isang araw nang mapansin ang kakaibang pattern na ito. Alam ni Axel na hindi gaanong mahilig makipagsalamuha si Miller at dahil wala na siyang mga part-time job ay ipinagtataka niya kung bakit madalas ito lumalabas tuwing Sabado.
"Oh..." saglit na napaisip si Miller ng pwede niyang gawin na palusot. "I have to attend make up classes. Naging professor ko na naman kasi 'yung pala absent namin na professor last sem." Sagot niya.
Nagulat sa biglaang pagtatanong ni Axel si Miller. Mabuti na lang at naghuhugas siya ng mga kagamitan at nakatalikod dito kaya hindi na niya kailangan pa na gawan ng paraan ang kabado niyang reaksyon.
"Right. How's the university? I hope Kristoff is playing great in taking my character."
"Yup, magaling naman si Kristoff. Although malayo lang siya sa nakasanayan kong Axel... anyway, wala naman siyang nakakaaway. 'Yan naman talaga ang importante," litanya ni Miller.
Sa araw na ito ay nakaligtas sa suspetsa si Miller. Alam niyang hindi magtatagal ay matutuklasan din ni Axel ang sekreto niyang training. Pero hanggang sa maaari ay nais na muna niya itong itago. Nais sana ni Miller na sa sandaling mahuli siya ay mabuking ay maipapakita na niya ang bunga ng kanyang pag-eensayo.
Nagpatuloy lang ang ganitong uri ng routine ni Miller. Araw-araw, maliban tuwing linggo, siya naroroon sa mansyon ni Mateo. Habang si Axel naman ay abala pa rin sa pananaliksik sa katawan ng mga vampirized. May mga panahon na nilalagnat na naman siya. O kaya ay nasusuka, nahihilo, at bigla na lang nahihimatay. Subalit, sa kabila nito ay patuloy pa rin ang pagtatrabaho niya.
Isang araw, bago umalis si Miller ay nadatnan pa niya sa kama si Axel. Umaga pa kaya mahimbing na natutulog ang bampira. Nakaugalian n ani Miller na tingnan ang temperatura ni Axel.
"Aalis na ako," bulong niya matapos na pakiramdaman ang noo ng mahimbing na natutulog na si Axel.
"Hmn," ungol nito na tila ba sumasagot kay Miller.
Hindi naman maiwasan ni Miller na mapangiti sa tuwing nakikita ang mapayapa nitong mukha sa umaga. Tila ba hinihila siya nito sa loob ng silid at ayaw paalisin.
"I'll be back..." mahina niyang mutawi bago lumabas ng kwarto.
Lingid sa kanyang kaalaman ay nagising ng kanyang malamig na kamay si Axel. Kaya sa pagsara ng pinto ay siyang pagbukas naman ng mga mata ng bampira. Napahawak din siya sa kanyang noo na hanggang ngayon ay may bahid pa rin ng malamig na kamay ni Miller.
"I'm feeling well, that guy..." sambit ni Axel bago muling ipinikit ang mga mata at bumalikwas sa higaan.
Natulog pa siya ng mahigit walong oras. Gabi nan ang nagising siya, pero hindi pa rin nakakauwi si Miller.
"It seems Saturday classes are not enough for them. He even stays late in school now," ani ni Axel sa likod ng kanyang isipan.
"Kristoff, where is Miller?" tanong niya nang makasalubong sa hallway si Kristoff.
Siya na ang pumalit sa katauhan ni Axel sa unibersidad kaya inaasahan nito na alam niya ang kinaroroonan ngayon ni Miller.
"Master," yumuko si Kristoff, "may sinalihang club si Miller. Mukhang hindi pa ata sila tapos sa meeting nila."
"What club is that? Don't you often go home together? Why is he late these past few days?" sunod-sunod na tanong ni Axel na nagmimistulan nang interogasyon.
![](https://img.wattpad.com/cover/147056131-288-k643179.jpg)
YOU ARE READING
Taming the Vampire
VampireMiller grew up privileged. Mayaman at iginagalang ang kanyang mga magulang, gayunpaman, nagbago ang lahat nang malugi ang kumpanya ng kanyang ama. Worse, his mother died. When the course of his luxurious life suddenly maneuvers to downfall Miller re...