Zahaira's POV
PANA'Y ang tingin ko sa sa dalawang ito
nandito kami ngayon sa Jollibee, napag-
desisyonan namin ni Enzo na sabay na
lang kumain since pupunta rin naman
sila dito. Ngunit ang hindi ko lang
maintindihan dahil parang may tensyon
sa dalawang batang ito, si Fia ay tahimik
lang kumakain habang si Maxine naman
ay pana'y ang pagbuntong hininga, isa
pang buntong hininga niyan iisipin ko ng
ayaw niyang makasama kami.Pinagmamasdan ko si Maxine, pana'y
ang pagsulyap niya kay Fia at iirap nakikita ko ang sarili ko sakanya dati
nung junior pa ako, ganito ako makatingin sa mga taong hate na hate
ko tulad na lang ni Jeanne. Wait—hindi
kaya hate neto ni Maxine itong si Fia?O-M-G.
Pinagmamasdan ko naman si Fia, tahimik lang talaga siya na kumakain
hindi rin siya tumitingin kay Maxine,
hmmmm? bakit kaya? baka nga dahil
don? baka nga hate nila ang isat-isa?
tsh pero hindi naman ganon si Fia
alam kong hindi marunong magalit
itong si Fia, napakabait kaya ng batang
ito."Magkaaway kayo?"
"Magkaaway kayo?"
Nagkatinginan kami ni Enzo at sabay
napaiwas ng tingin marahil ay hindi niya
na rin matiis ang pag-irap ng kapatid niya dito kay Fia, kaya nagtanong na rin
siya. Saglit na katahimikan pero binasag
na iyon ni Maxine"Bakit hindi niyo tanungin si Sofia?"
Nakataas kilay na sabi saamin ni Maxine
napamaang nalang ako sa pagiging
maldita niya, feeling ko magkakasundo
sila ng devil cousin ko.Lumingon ako kay Fia na ngayon ay
nakatingin na rin saamin, mukhang
nahihiya siya dahil napakapit pa siya
sa dress ko na para bang sinasabi
niyang tulungan ko siya, dahil mabait
ako......hindi ako nagsalita, hinayaan ko
siya magsalita tsh hindi dapat parati
ay kailangan niya ng tulong, hindi na
dapat siya nahihiya gayong nagdadalaga
na siya.Sa huli ay nagsalita rin si Fia ngunit hindi
siya makatingin saamin, nasa baba lang
ang kanyang tingin. "W-Wala naman po"
Sagot niya, nagulat na lang kami ng
tumawa si Maxine na halata naman
sarkastikong tawa yon. Tinignan ko si
Enzo nakatingin din siya saakin, agad
ko siyang nilakihan ng mata na animo'y
sinasabi sakanya na sawayin ang kapatid niya dahil mapagkakamalan
itong baliw dahil sa paraan ng pagtawa
pinagtitinginan narin kami ng mga tao.
Mukha namang nagets ni Enzo ang
pinaparating ko sakanya at agad niyang
sinuway ang kanyang kapatid"Very liar." Narinig kong bulong ni Maxine ngunit gusto niya ata itong
iparinig kay Fia, grabe walang tatalo
sa pagiging maldita ng batang ito sure
akong matatalo sa pagiging maldita si
Aurelia. "Actually, yung sinabi ni Sofia..."
Sinadya talagang patagalin pa ng batang
ito ang sasabihin niya dahil lumingon pa
ito kay Fia.Tumikhim ako hindi ko kaya ang tensyon
sa pagitan nila alam ko naman na hindi
totoo ang sinasabi ni Fia, sigurado akong natatakot lang talaga siyang mag
sabi ng totoo ngunit ano naman ang
rason para maging magkaaway ang
dalawang ito?"Tapusin muna ang pag kain, aalis na
din tayo.." Mahina kong sabi kay Fia,
ngumiti lang ito saakin at saka kumain
na ulit si Enzo naman ay mukhang
pinapagalitan na niya ang kapatid niya
hindi ko akalain na napakamaldita pala
ng kapatid niya, akala ko kasi hindi. Para
lang pala siyang si Heavenᕙ( • ‿ • )ᕗ
"Ingat kayo." Saad ko kila Enzo, hindi pa
rin maipinta ang mukha ni Maxine habang itong si Fia naman ay nakangiti
lang, tinalikuran nanamin sila at sumakay na agad kami ni Fia sa taxi.
YOU ARE READING
PART 1: Stay With Me (ON-GOING)
ActionDumalo ka sa en grandeng' selebrasyon at may nakilala kang lalaki na hindi mo inaasahan na sasabihin niya sayo... Ang sabihin saiyo na maging (Fake girlfriend niya) Papayag ka ba? [Stay With Me 1] (ON-GOING)