Zahaira's POV
After ni Miss Veroña ay nag ring narin
ang bell, nagsi-tayuan na ang mga ungas
habang ako ay nakaupo pa kinuha ko
ang headphone ko, syempre kunyari ulit
na meron talagang song and besides
hindi naman magkakaroon ng tunog to
dahil wala akong cellphone. Baliw na
talaga ako sa pinaggagawa ko pero ito
lang ang solusyon para hindi ako kausapin ng mga estudyante dito lalo
na nangyari kanina, tiyak akong mag-
tatanungan ang mga yon.Nagulat na lang ako ng may kumuha sa
headphone ko, nilingon ko agad yon at
si Enzo nilagay niya yon sa tenga niya
at saka nakangiwing tumingin saakin,
sigurado akong mawiwirduhan siya dahil
wala namang song. Binigay niya ulit
saakin ang headphone at saka pinag-
taasan ako ng kilay"Siraulo ka ba?" Tanong niya, napataas
naman ang kilay ko, humawak siya sa
labi niya na parang nag-iisip, tumayo
ako at saka mataray na tinignan siya
"Naghe-headphone ko na walang song?"
Dagdag niya pa"Pake mo ba?!" Masungit kong sabi
sakanya"Tss..." Ngumuwi lang siya at nakamulsang lumabas na ng classroom
tinago ko na lang ang headphone ko sa
bag ko. Lumabas na rin ako ng classroom habang iniisip ang nangyari kanina. Nakakainis si Enzo, bakit ba kinakausap pa ako non?Habang naglalakad ako, napansin kong marami pa ring estudyante ang nagkukumpulan, nag-uusap, at nagbubulungan. Tiyak, pinag-uusapan pa rin nila ang tungkol sa field kanina.
Pagbaba ko sa main building, nakita ko nga sila Kokoy at ang ilang mga kaklase kong nagkukumpulan kay Miss Veroña at Secretary Milky. Parang may pinag-
uusapan sila, napansin kong si Kokoy pa rin ang nangunguna sa pagtanong."Miss, saan nga po ba kami lilipat na room?" tanong ni Kokoy, medyo masigasig pa rin.
"Oo nga Miss! Kasi ang gulo na ng mga sections ngayon," dagdag pa ni Chad
Sumeryoso naman si Miss Veroña at si Secretary Milky ang sumagot, "Listen, Section B! Diretso kayo sa gymnasium at doon kayo pipila. Ihahati kayo at sasabihin kung saan kayo lilipat na classrooms. Maging maayos kayo para walang gulo, okay?"
Napapabuntong-hininga na lang ako. Ngayon na pala kami ililipat dahil nga
sisimulan na gibain ang main building. Habang naglalakad na kami papunta sa gym, naririnig ko pa rin ang mga reklamo at bulungan ng mga ungas. Pati ako, napapaisip na rin kung saan naman kaya kami ilalagay ngayon.Pagpasok namin sa gymnasium, pumila agad kami nang maayos. Naroon din si Sir Alvarez, mukhang seryoso.
"Okay, listen up, Section B!" malakas na sigaw ni Sir, kita ang kanyang autoridad. "Sisimulan na ang paggiba sa main building natin kaya ililipat na kayo. Pero wag kayong maging masaya dahil magkakahiwalay-hiwalay kayo!" dagdag niya.
Nagkaroon ng mahinang ingay sa buong gym. Napatingin ako sa mga kaklase ko, ramdam ang kaba at inis. Hindi biro ang mawalan ng silid-aralan at lalo na, ang paghihiwalay ng mga may kaibigan.
"Chadriel, Gabriano, David, Nathaniel, Matthew, Keziah, Emma, Richelle, Ryan, Dhilan, Carson, sa Section A kayo." Anunsyo ni Sir. Napatingin ako kay Enzo-hindi ko siya magiging classmate... wait, anong pake ko kung hindi ko siya magiging classmate? Tsh!
"Yung mga katabi naman nila Matthew, sige sa Section A na din kayo!" Dagdag ni Sir. Masaya silang lumabas ng classroom, nagtama pa ang mata namin ni Enzo bago siya lumabas, pero umiwas agad ako ng tingin. Bakit ba kasi natingin pa siya?
YOU ARE READING
PART 1: Stay With Me (ON-GOING)
ActionDumalo ka sa en grandeng' selebrasyon at may nakilala kang lalaki na hindi mo inaasahan na sasabihin niya sayo... Ang sabihin saiyo na maging (Fake girlfriend niya) Papayag ka ba? [Stay With Me 1] (ON-GOING)