CHAPTER 7

2.7K 44 2
                                    

FRANK'S POV

Hininto ko ang sasakyan nang makarating kami sa harap ng malaking hospital.

Bababa na sana ako pero masyadong nakakapang–akit ang ganda ni Mirella kaya pinagmasdan ko ang mala anghel niyang mukha habang mahimbing na natutulog.

I couldn’t help but to smile, I've never expected that I had fallen for this woman.

Sinubukan kong pigilan ang nararamdaman ko pero mas lalo itong lumala, simula pa lang noong mga panahong nagtatrabaho na siya sa kompanya ko.

Napakaswerte ng taong umangkin saiyo. Ang taong ama ng mga anak mo.

Minsan ko na rin siyang tinanong kung bakit ayaw niyang ipakilala o ipaalam sa ama ng mga anak niya na may nabuo sila sa isang gabing hindi inaasahan, pero tumanggi siya dahil natatakot siyang baka kunin ang mga anak niya rito dahil hindi naman siya nito mahal.

Natatawa ako sa rason niyang 'yon kahit wala naman siyang kasiguruduhan.

Kaya kahit sa maikling panahon ay inangkin ko ang responsibilidad dahil ang opinyon o desisyon niya ang mas mahalaga sa akin.

At sa bawat araw na nagdaan ay mas lalong lumalalim ang nararamdaman ko para sakaniya.

Ikaw ba may nararamdaman ka rin ba para sa akin?

Tss. Asshole!

Hindi ako umaasang magugustuhan mo rin pero handa akong tumayong ama ng kambal.

Handa akong gawin ang lahat ma protektahan lang kayong mag–iina.

Sa tinagal–tagal kong nakatitig sa mukha niya ay napapangiti ako.

Tuwing nagsusungit siya sa umaga talagang kinatutuwa ko ang bagay na 'yon, mas lalo kasi siyang gumaganda.

Mahimbing pa rin siyang natutulog na parang anghel. Hindi ko na napigilan ang sarili at bahagyang inangat ang daliri patungo sa malambot at makinis niyang pisngi.

Bahagya kong hinawi ang iilang hibla ng buhok niya na nasa kaniyang pisngi, marahan ko naman iyong hinaplos.

Ang kaniyang mga pilik matang mahahaba ay napakaganda, ang matangos niyang ilong ay nakakapang–akit at ang kaniyang mapula at magandang labi na ano mang oras ay gusto mong halikan kapag nakita mo ito.

She’s like a drug. One glance, and you're instantly addicted.

Naramdaman ko ang marahang pag galaw niya na sinundan nang pagmulat ng kaniyang mga mata.

Agad kong nasalubong ang magaganda niyang mga mata.

Bahagyang nangunot ang noo niya kaya natataranta akong umiwas nang tingin at umayos ng upo sa kinauupuan ko.

Tumikhim ako bago nagsalita. "We are here."

Ngumuso siya na parang bata. "Ba't mo'ko tinitignan habang natutulog?" Tanong niya pa.

Cute.

"Tss! Assuming!" Agad ko namang asar rito.

Sadyang kinakabahan lang ako dahil baka kung anong isipin niya.

Tinarayan niya lang ako at maya–maya pa ay nagtanggal na siya ng seatbelt kaya dali–dali rin akong bumaba para pagbuksan siya ng pintuan.

Agad ko siyang inalalayan at talagang hindi na biro ang bigat niya. Anim na buwan pa lang ang tiyan niya, paano pa kaya kung pang siyam na?

Agad akong kumuha ng wheelchair para roon siya maisakay.

Agad na kaming dumiretso ng ultrasound room. Nang makapasok roon ay agad siyang pinahiga ng doctor.

MBS01: Hiding The Devil's Deal Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon