CHAPTER 26

2K 33 5
                                    

ELLA'S POV

Marahan akong binuhat ni Van palabas ng opisina niya, hanggang nga sa nakasakay kami ng elevator at makababa ng kompanya niya ay buhat–buhat niya pa rin ako.

Dumiretso kami ng parking lot at marahan niya akong binaba at pina–upo sa passenger seat.

Nagulat pa ako nang binaklas niya ang tela ng suot niyang puting suit at marahang itinali 'yon sa braso ko.

Nagdurugo kasi ang braso ko dahil may hiwa ito ng mga basag ng mga flower vase na nadaganan ko sa opisina niya, pero hindi naman ganoon kalakas ang pagdurugo nito na pwede kong ikamatay.

Seryoso lang siya bahang sinusuot sa akin ang seatbelt ko saka sinara ang pinto ng sasakyan niya at umikot saka sumampa sa driver's seat.

Kahit sa pagmamaneho ay seryoso lang siya at ang paningin ay nanatili lang sa daan.

Hindi ko naman magawang ibuka ang bibig ko dahil natatakot rin ako na baka lalo siyang magalit.

Tinahak niya ang daan kung saan papunta sa malaki niyang bahay, nang makarating kami roon ay agad siyang bumaba at pinagbinuksan ako ng pinto at muling binuhat hanggang makapasok sa loob ng bahay niya.

Buhat–buhat niya ako hanggang sa maka–akyat kami at makapasok sa kwarto niya.

Marahan niya akong nilapag sa kama niya at tumalikod saka may kinuha sa mga cabinet niya.

Nang humarap siya ay may bitbit na siyang mga pang–gamot at agad na lumapit sa akin at naupo sa tabi ko.

Agad niyang pinahirapan ang sugat ko ng antibiotic ointment gamit ang cotton at marahang pinahid iyon sa braso ko, at agad niyang nilagyan ng bandage. Nang matapos ay muli siyang tumalikod at binalik ang mga kinuhang gamit.

Tumayo ako suminghap ng hangin bago napagdesisyunang magsalita.

"V–van?"

Hindi siya lumingon at nanatiling nakatalikod sa akin.

"G–galit ka ba? I'm sorry.."

Agad siyang humarap at lumapit sa akin saka marahang humawak sa magkabilaang balikat ko.

"I'm not mad, why are you apologizing? You didn't do anything wrong, I should be the one apologizing to you. I'm the one who made the mistake, and I know you were hurt by what you witnessed." Malambing na aniya.

Agad akong napatungo at agad nanumbalik sa akin ang sakit na naramdaman ko sa mga oras na nakita ko sila. Ayoko namang ipakita sakaniya na nasasaktan ako.

"I swear I didn't know why I ended up sleeping with Morgana, she fucking set up us. Alam kong mayroon siyang nilagay sa tinimplang kape na binigay sa akin," muling dagdag niya, bakas sa tono niya ang galit pero nagpipigil lang siya. "She did it also to you."

Agad akong nag–angat nang tingin sakaniya at bahagyang nangunot ang noo ko.

"Anong ibig mong sabihin?" Nagtatakang tanong ko.

"Do you remember her birthday party, where you are invited? She put drugs on your drinks."

Bahagyang nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya.

"Hindi siya mapagkakatiwalaan, Pumpkin. Stay away from her," muling dagdag niya.

Hindi ako makapaniwalang aabot sa ganoon ang sukdulan ng kasamaan niya. Nagtiwala ako sakaniya dahil nagpakita siya sa akin ng kabutihan sa ilang araw na nagdaan.

Kasama pala sa plano niya 'yon. What a bitch.

Muli akong tumingin sakaniya, seryoso lang siyang pinagmamasdan ako.

MBS01: Hiding The Devil's Deal Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon