CHAPTER 28

1.5K 33 12
                                    

NEW CHARACTER'S POV

Kasalukuyan kong humihithit ng usok sa aking pipa habang nag–iisip ng plano.

It's been awhile Vandrix Collins, matapos mo akong lokohin at pabagsakin ay muli akong babangon.

Hindi ko makakalimutan ang araw kung saan nilabas ko lahat ng pera at kayamanan ko dahil sa ipinangako mong limpak na droga pero malalaman kong ginagago mo lang ako at pinatalsik mo pa ang mga tauhan ko.

Halos isang taon akong namulubi sayong tonta ka! Anak ka ng demonyo, manang–mana ka sa tatay mong gago.

Napakinabangan ko rin naman ang ama niya, naging tauhan niya ako at ninakawan ko siya noong tumagal na ako sa mga kamay niya at bumuo ng sarili kong grupo.

Kung bakit hindi mo pa ako pinatay noong may pagkakataon ka Collins, masyado kang nagpakampante.

Napakahirap patayin ng mokong na 'yon, minsan ko ng palihim na pinasundan ang gagong 'yon pero hindi na nakakabalik ng buhay ang mga tauhan ko sa tuwing nahuhuli niya o ng kaniyang tauhan.

"Boss," tawag ng isa sa mga tauhan ko.

"May impormasyon kang nakuha?"

Agad siyang ngumisi. "Oo boss, nagtanong–tanong ako sa mga empleyado ng kompanya ng Van na 'yon."

"Oh, anong nakuha mo?"

"May kinababaliwan daw ang gagong 'yon, ang sekretarya niya."

"Kahinaan," nakangising ani ko.

Tumango siya. "Tama, kahinaan niya ang gagamitin natin."

"Nakilala mo ba kung sino?"

"Hindi ko alam ang pangalan pero kilala ko ang itsura, iyon ang itinuro sa akin ng mga empleyadong naroon."

"Magaling. Binabantayan ba ng mga tauhan ang babaeng 'yon?"

"Oo boss, nakita namin kaninang umakyat sa kompanya ni Van. Inaantay na lang namin na muling makababa bago namin dukutin ito."

Agad akong tumango. "Tara na," yaya ko rito at nagpasiunang lumabas at sumakay ng sasakyan.

Agad naming tinahak ang daan patungo sa kompanya ni Van, nang makarating kami roon ay dumiretso kami ng parking lot at inantay ang babaeng sekretarya ni Van na siyang sinasabi ng aking tauhan.

Isang oras ang inantay namin nang may babaeng napaka sexy at ubod ng ganda ang nakasimangot na naglakad papuntang parking lot.

"Siya 'yon boss," anang aking tauhan at itinuro ang babaeng 'yon.

Agad akong napangisi.

Napakagaling mong pumili Vandrix, napakatanga mo ring hayaan lamang itong pinakamamahal mong maglakad dito ng mag–isa.

Agad naglagay ng itim na mask ang mga tauhan ko at dahan–dahang lumapit sa sekretarya ni Van na ngayon ay akmang papasok sa sasakyan niya pero agad itong hinablot ng mga tauhan ko.

Nagulat ito at agad na nagpupumiglas, agad na tinakluban ng mga tauhan ko ang buong mukha nito saka pwersahang kinaladkad papasok sa sasakyan na kinalaglagyan ng mga tauhan ko.

"Tara na," agad na aya ko sakanila at agad na pinaharurot ang sasakyan namin pasunod sa mga tauhan ko.

Ilang minuto lang ay narating namin ang lungga namin.

"Dalhin niyo iyan sa basement, itali niyo sa upuan." Utos ko sa mga ito.

Tumango ito at kinaladkad ang babaeng 'yon papasok sa kwartong madilim.

MBS01: Hiding The Devil's Deal Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon