WARNING ⚠️🔞
This part contains explicit R18 content. If you are under 18, this content is not suitable for you, please skip ahead.
However, if you decide to continue, proceed at your own risk. Be aware that I am not responsible for any consequences of your choice to keep reading.
FRANK'S POV
Ilang oras na kaming nanatili rito sa loob ng bar at talagang halata na kay Morgana na lasing na siya kasi nagsisimula na siyang mag–ingay.
"Hoy ikaw!" Tawag niya sa akin na agad ko ring nilingon. "Shinushuundan mo ba ako ha?! Sus! Shiguro pinadala ka rito ni Van no?!" Sigaw na aniya na agad ngumuso. "Letseng lalaking 'yon! Kung magwala akala mo naman may nawala shakaniya! Pftt! Bugok!" Dagdag niya pa at muling sumimsim ng alak.
Umiling–iling na lang akong pinagmamasdan siya, 'yung mga mata niya ay halos hindi na maibuka ng maayos.
So, mag–aalaga pala ako ng lasing ngayon? Nice.
Tumayo ako at lumapit sakaniya, akma niyang itutungga ang alak sa baso niya pero inagaw ko 'yon.
"Tama na 'yan, lasing ka na." Mahinahong awat ko.
Nangunot ang noo niya at masamang tumingin sa akin. "Ano bang pakialam mo?! Bakit ka ba nandito?!"
Agad kong kinuha ang braso niya at inalalayang makatayo dahil luluray–luray na siyang maglakad.
Nagpupumiglas pa siya at gusto pang uminom pero hinila ko lang ang kamay niya.
"Ano ba! Hindi ako lasing!" Sigaw niya at pilit na hinahablot ang braso galing sa pagkakahawak ko, pero hindi niya magawa dahil masyado na siyang tinamaan.
"Ihahatid na kita sainyo, ayokong mag–alaga ng lasing." Tugon ko at inalalayan ko na siya palabas ng bar.
Kahit sa paglalakad namin ay para siyang tangang nagpupumiglas at gusto pang bumalik at uminom.
Nang makalabas kami ay agad akong humarap sakaniya. At siya naman ay halos patayin ako sa masasamang tingin niya.
"Hindi ko obligasyong alagaan ka, kaya tara na." Muling dagdag ko.
"Alam mo ikaw?! Kayong dalawa talaga noong babae mo ang kontrabida sa buhay ko!" Sigaw na aniya.
Lumingon–lingon pa ako sa bawat paligid dahil pinagtitinginan kami ng mga dumadaan sa gawi namin, kaya ngini–ngitian ko na lamang sila.
Muli akong tumingin kay Morgana. "Ano ba? Ang ingay mo!" Agad na saway ko.
Nagulat pa ako ng bigla siyang tumawa na bahagyang kinatulala ko.
She's like an angel when she's smiling, walang bahid ng kademonyuhan kapag nakangiti siya o tumatawa.
"Hahahaha! Wahhh!" Agad na sigaw niya na pinanglaki ng mga mata ko kaya dali–dali kong tinakpan ang bibig niya.
Buwesit na babaeng 'to! Puwersiyo kahit kailan.
Agad ko siyang dinala papuntang parking lot pero hindi pa man kami nakakarating ay bigla siyang naduwal at ang sunod ko na lamang na nasaksihan ay sa dibdib ko na siya sumuka.
Pakshit!
Matapos sumuka ay pinunas niya pa ang bibig sa laylayan ng damit ko.
Naramdaman ko agad ang matinding inis na namuo sa ulo ko.
BINABASA MO ANG
MBS01: Hiding The Devil's Deal
Romance[COMPLETED] Started: 9/27/24 Finished: 11/16/24 Mirella Celeste Vitalle escapes an deal arranged by her parents with a wealthy, arrogant old man. Her parents want her to marry him to save their failing company, but she refuses and leaves home. One n...