CHAPTER 11

2.2K 33 0
                                    

ELLA'S POV

2 months passed, at ngayon ay siyam na buwan na ang tiyan ko at talaga namang hirap na akong tumayo dahil sa laki at bigat nito. Pero, kahit ganoon man ay hindi ako pinabayaan ni Frank, madalas na siyang narito sa bahay at talagang todo pag–aalaga na ang ginagawa niya sa akin.

Kabuwanan ko na rin sa buwan na ito at sa susunod na linggo na ang due date ko, kaya magkahalong kaba at excitement na ang nararamdaman ko. 

"What do you want to eat?" Tanong ni Frank.

"Huwag na lang kaya ako kumain? Pakiramdam ko kasi nadaragdagan ang bigat ko."

Natawa naman siya. "Hindi naman pwede 'yon, that's fine. Kuntingtiis na lang at makakahinga ka na nang maluwag and makikita mo na din sila at the same time."

Agad akong napangiti. "Well, I'm excited. Sa wakas ay masisilayan ko na sila."

"May plano ka bang sabihin ito sa daddy mo?" Biglaang tanong niya.

"Oo. Pwede ko ba siyang pabisitahin dito?"

"Of course, basta mag–iingat lang siya at baka masundan."

"Pwede rin bang kapag nag–isang taong gulang na sila ay pwede na akong bumalik sa trabaho?"

"Sino ang magbabantay sakanila?"

"May kaibigan ako, kapitbahay natin dito. Siya ang pagbabantayan ko muna."

Tumango–tango naman siya. "Pwede ka namang hindi na lang muna magtrabaho, kaya ko naman kayong buhayin."

Seryoso akong tumitig sakaniya. "Frank, tama na 'yung pag–aalaga mo sa akin sa loob ng siyam na buwan. Sobra–sobra na 'yon. This time, gusto kong makabawi. Kaya gusto kong tulungan kita sa kompanya mo."

"I'm just worried about you, alam mong napakaraming naghahanap sa'yo ngayon."

"Hindi na ako natatakot, dahil andiyan ka naman sa tabi ko. Handang mag–protekta sa akin," nakangiting dagdag ko.

Matamis siyang ngumiti at nagsimula akong ipaghanda ng makakain.

Talagang masasabi kong maswerte ako dahil ligtas kami ng mga anak ko sa loob ng siyam na buwan, sa tulong ni Frank syempre. Kaya malaki ang utang na loob ko sakaniya.

Makalipas ng ilang araw.

"FRAAAANK!" Sigaw ko ng makitang pumutok ang panubigan ko.

Hindi ko inaasahang ngayon ako manganganak, ang sabi kasi ng doctor ay bukas pa.

Kasalukuyan akong nakaupo sa sofa, nang maramdaman ang basa sa ibabang parte ko.

"FRAAAANK!" Muling sigaw ko.

Narinig ko agad ang malalaking hakbang papunta sa gawi ko.

"What happen?" Nag–aalalang tanong niya nang makalapit sa akin.

"Pumutok ang panubigan ko," kalmadong tugon ko.

"What?!" Natatarantang tanong niya na agad tumingin sa dalawang hita ko. "Shit! Tara sa ospital."

Agad niya akong inalalayan makatayo, nilagay niya ang isang braso ko sa leeg niya.

Hindi niya na ako kayang buhatin ngayon dahil triple na talaga ang bigat ko.

MBS01: Hiding The Devil's Deal Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon