CHAPTER 18

2K 28 1
                                    

ELLA'S POV

Tahimik kaming bumyahe ni daddy pauwi ng bahay, hindi pa kasi natatanggap ng sistema ko ang mga sinabi niya.

Hangga't hindi iyon nakikita ng sarili kong mga mata, hindi ko 'yon papaniwalaan. Gusto ko rin magkaroon ng kumpirmasyon galing sakaniya.

Nang maihatid ako ni daddy ay agad din siyang umuwi.

Napansin kong wala pa ang sasakyan ni Frank. Hindi pa ba siya nakaka–uwi?

Napagdesisyunan ko nang pumasok, akma kong isasara ang pintuan nang marinig ang busina ng sasakyan ni Frank sa labas kaya muli ko iyong binuksan at inantay na makapasok siya.

Maya–maya pa ay pumasok na siya, pero bahagya akong nagulat sa naging itsura niya. Para siyang lantang gulay. Gusot ang suot na polo at hindi na maayos ang pagkakabutones nito. Matamlay ang mga mata niya at namumula ang dalawang pisngi habang bagsak ang dalawang balikat.

Agad akong lumapit sakaniya at tinignan siya ng may pag–aalala.

"Bakit ganiyan ang itsura mo? Uminom ka ba?"

Nag–angat siya nang tingin sa akin, ang mga mata niya ay may bahid ng lungkot. Seryoso man siyang tumitig sa akin, mababasa mo naman rito ang totoong emosyon niya.

"Anong nangyari? May problema ba?" Nag–aalalang tanong ko sakaniya.

Seryoso lang siyang tumitig sa akin.

Pero nagulat ako nang lumapit siya sa akin at marahas na sinunggaban ang labi ko. Habang ang dalawang kamay niya ay nakawahak sa magkabilaang pisngi ko.

Nanlaki ang mga mata ko at ngayon ay pilit na kinakalas ang sarili ko palayo sakaniya, ng mapagtagumpayan ay gulat na gulat akong tumingin sakaniya.

"Ano bang nangyayari sa—"

Hindi ko natapos ang sasabihin nang muli siyang lumapit at marahas akong muling hinalikan.

Buong pwersa ko siyang tinulak at sinampal.

Agad siyang napahawak sa pisngi niya at parang nahimasmasan dahil nang tumingin siya sa akin ay may bahid na ito nang pag–aalala.

"Nababaliw ka na ba?! Ano sa tingin mo ang ginagawa mo?!" Inis na sigaw ko sakaniya.

Akma siyang lalapit pero pinigilan ko.

"Huwag kang lumapit!"

"Elle.." nag–aalalang sambit niya.

"Ano bang nangyayari sa'yo?! Nagpakalasing ka tapos gagawa ka ng katarantaduhan?!"

Hindi ko maintindihan pero parang hindi ko na siya kilala sa mga oras na ito, parang ibang Frank na ang kaharap ko.

"Elle, I'm sorry. H–hindi ko sinasadya, nadala lang ako ng emosyon ko." Malumanay na aniya.

"Emosyon?!" Sarkastiko akong natawa. "Pwede ba sa susunod na iinom ka, maging responsibilidad ka naman! Binastos mo ako Frank!  Parang naging basura ang halaga ko para sa'yo!"

"I–I'm so sorry.."

"Hindi ko alam kung anong tumatakbo sa utak mo at naisipan mo akong halikan! Pero kung ano man ang mga 'yon, tumigil ka na!"

"Elle.."

"I don't know what's going on with you! Ayusin mo ang sarili mo Frank!"

Yumuko siya ng ilang sekundo at muling nag–angat nang tingin sa akin.  Pero nagulat ako ng unti–unting nangilid ang mga luha niya.

MBS01: Hiding The Devil's Deal Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon