CHAPTER 16

2.2K 29 3
                                    

ELLA'S POV

Araw ng sabado ngayon at wala akong pasok. Isang araw lang binigay ni Van sa akin na day–off, tuwing sabado dahil hindi raw siya papasok ng sabado.

At ngayon ay nagkukulitan ang mag–lolo, wala ngayon si Frank at pumasok sa kompanya niya. Pinagpahinga ko na rin muna sa pag–aalaga si Erica sa kambal dahil narito naman ako.

Lumapit naman ako sa mag lolo at nakangiti silang pinagmamasdan.

Nag–angat ng tingin sa akin si daddy.

"Bakit hindi tayo lumabas?" Nakangiting tugon niya.

Lumapit ako at naupo sa tabi niya na nakaupo sa sofa habang ang dalawa ay nasa sahig, hindi naman sila malalamigan dahil may rug naman.

"Hindi ba masyadong complicated dad? Baka makita tayo." Pag–aalinlangan ko.

"Hindi naman tayo pupunta sa siyudad, dumito lang tayo sa mga lugar na narito. Napakaganda kasi ng tanawin na narito," nakangiting dagdag niya.

"Kung sa bagay, hindi pa rin ako nakakapag ikot–ikot dito dad."

"Tamang–tama, marami akong nakitang mga resorts sa 'di kalayuan anak. Mamasyal tayo at maglakad–lakad sa buhanginan kasama ang dalawang apo ko."

Tumango ako kaya kinuha ko na ang dalawa at binihisan sila ng mga pang summer na outfit.

Nagdala rin ako ng mga extra nilang damit at gatas kung sakaling gutumin.

Matapos ko silang bihisan ay ako naman ang nagtungo sa kwarto ko para magbihis. Nag–suot lang ako ng itim na sando at itim ring short saka tinakpan ng puting kimono sa labas na aabot hanggang binti ko.

Nang makababa ay agad kong kinarga si Xia habang karga–karga naman ni daddy si Xion.

Nang makalabas ay nilock ko ang gate at pumasok na sa sasakyan ni daddy, sa likod kami umupo ng tatlo.

Kandong ko si Xia habang si Xion ay prente lang nakaupo sa tabi ko.

Nang makaupo na ng maayos ay agad pina–andar ni daddy ang sasakyan at malumanay 'yung pinatakbo.

"Namiss kong mag–beach anak," nakangiting tugon ni daddy habang sumisilip–silip sa rearview mirror.

Ngumiti naman ako sakaniya. "Hindi na rin tayo nakakapag bonding ng ganito dad."

"Tama iyan, at ngayon muli nating magagawa kasama pa ang kambal." Nakangiting sagot niya naman.

Ilang minuto lang ay narating namin ang tourist spot ng lugar na ito, maraming ngang mga hotel and resorts na naroon.

Agad kaming bumaba at tag–iisang kinarga ang kambal. Sumalubong naman agad sa amin ang napaka preskong hangin.

Agad kaming nag ikot–ikot roon at talaga namang sa bawat madaraanan namin ay may mga mumunting tindahan na nagtitinda ng mga pang souvenirs.

Binaba namin ang kambal at inalalayan itong maglakad. Tuwang–tuwa naman ang dalawa, lalong–lalo na si Xia na hindi nawala ang ngiti sa labi.

Naglakad–lakad kami sa buhanginan, hindi naman ganoon karami ang mga taong naroon pero hindi ko ring masasabing unti lang.

Nang makarating kami malapit sa dalampasigan kung saan makikita namin ng mas malapitan ang paghampas ng alon sa buhanginan.

Narinig ko agad ang malalim na buntong hininga ni daddy kaya napalingon ako sakaniya pero nakangiti siya habang pinagmamasdan ang payapang dagat.

MBS01: Hiding The Devil's Deal Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon