ELLA'S POV
Tatlong buwan na ang nakalipas at ngayon ay anim na buwan na ang tiyan ko na kasing laki na ng siyam na buwan.
Ramdam ko na rin ang bigat nito, pero nagagawa ko pa rin namang makapaglakad kahit papaano.
Ilang buwan na rin akong nakatira sa bahay ni Frank pero hindi nagbago ang pag–aalaga niya sa akin. Galing sa trabaho ay dumidiretso siya rito para asikasuhin ako.
Kung tratuhin niya ako ay para niya na ring asawa. Kaya bilang pambawi ay pinagluluto ko siya ng sa ganon ay may nakakain siya pagka–uwi niya.
Isang hapon, habang wala pa si Frank ay lumabas ako ng bahay at naglakad sa buhanginan papuntang dalampasigan. Hindi ako lumayo sa bahay, sakto lang na matatanaw ko ang payapang dagat.
Agad na sumalubong sa akin ang napaka sariwang hangin.
Nang magsawa ay kinuha ko ang cellphone at agad na nag–dial roon. Naka ilang ring ito bago nasagot.
"Hello?" Matamlay na sagot mula sa kabilang linya.
Napangiti ako. Namimiss ko ang boses niyang 'yon.
"Dad.."
"Sino 'to?"
"Ako po ito," nagpipigil akong maiyak pero hindi iyon napipigilan lalo na kung buntis ka.
"Ella? Ella anak?" Nabuhayan na tanong niya.
"Shhh. Huwag kang maingay Dad.."
Narinig ko na lang ang mumunting singhot sa kabilang linya kaya mas lalo akong naging emosyonal.
"Dad? I'm sorry..."
"Anak ko..." Umiiyak na sambit niya.
Nagtakip ako ng bibig at bahagyang nilayo ang cellphone sa bibig ko para hindi niya marinig ang hagulgol ko.
Ayokong mag–alala siya.
Muli kong binalik ito sa tenga ko nang mapakalma ang sarili.
"I'm sorry Daddy. If hindi na po ako bumalik.."
"Shhh. Hindi ako galit okay? Nagtatampo lang kung bakit ngayon mo lang ako tinawagan," umiiyak na aniya.
"I'm sorry Dad..I'm so–sorry."
"Naiintindihan kita, naiintindihan kita anak ko."
Hindi ako nakasagot dahil sa luha kong walang pigil kung umagos.
"Nasaan ka na ngayon ha? Nasa maayos na kalagayan ka ba? May maayos ka bang tinutuluyan? Kumakain ka ba nang maayos? May pera ka bang nagagamit?" Sunod–sunod na tanong niya.
Ngumiti ako at pilit na pinapakalma ang sarili.
"Opo Dad, nasa maayos na kalagayan po ako. May maayos rin po akong tinutuluyan, kumakain po ako minu–minuto." Napangiti ako.
"Anong pera ang ginamit mo? Alam kong hindi muna magagamit ang mga atm cards mo dahil pina–block na ng mommy mo ang mga iyon."
"Nagtrabaho po ako.."
"Anong naging trabaho mo?"
"Marami po, pero huwag kayong mag–alala daddy dahil hindi naman po mahirap ang mga 'yon."
"Gusto mo bang puntahan kita diyan?"
"Huwag na Dad."
"Bakit? Hindi ko ito ipapaalam sa mommy mo."
BINABASA MO ANG
MBS01: Hiding The Devil's Deal
Romantizm[COMPLETED] Started: 9/27/24 Finished: 11/16/24 Mirella Celeste Vitalle escapes an deal arranged by her parents with a wealthy, arrogant old man. Her parents want her to marry him to save their failing company, but she refuses and leaves home. One n...