ELLA'S POV
Kasalukuyan akong nasa sasakyan ni Frank, pauwi na kami ng bahay.
Gusto pa akong ihatid ni Van, pero tumanggi ako at mahirap na.
Kanina pa kami tahimik at hindi nagkibuan, hindi ko rin alam pero pakiramdam ko kasi ay parang nawala ako sa katinuan dahil sa naging pagitan namin ni Van kaninang umaga. Mabuti ay nalusutan ko ang isang 'yon at nakakagalaw naman ng maayos sa opisina niya kahit ilang na ilang ako.
"Bakit ang tahimik mo? Pinagod ka ba ni Van?"
Hindi ko inaasahan ang biglaang pagbasag ni Frank sa katahimikan.
Agad akong napalingon sakaniya.
"H–ha? Hindi naman. Nakaupo lang ako kanina," sagot ko sakaniya at pinanatili ang sariling maging kaswal.
"Nagkaharap ba kayo ni Morgana?" Muling tanong niya ng hindi lumilingon at nanatili sa daan ang paningin.
"Oo."
"Inaway ka?"
"Medyo. Hindi ko siya maintindihan, pinapaalis na nga siya ni Van. Pinagpipilitan niya pa rin ang sarili niya," naiinis na sagot ko.
Sa tuwing nababanggit ang pangalan ng babaeng 'yon, naiinis na lang ako bigla.
"Bakit parang nagagalit ka?"
Agad akong lumingon sakaniya at pinakiramdaman ang sarili.
Bakit nga ba ako nagagalit?
"S–sorry. Siguro napagod lang siguro ako," pagsisinungaling ko naman at bahagyang tumalikod at sumandal para kunwaring pagod nga.
Hindi na muling nasundan ang usapin naming 'yon dahil parehas na kaming hindi kumibo hanggang sa makarating kami ng bahay.
Gabi na rin nang makarating kami at magdidilim na. Pagkapasok pa lang namin ay agad hinanap ng mga mata ko ang dalawang anak ko. Hindi ko sila nakita sa sala pero naroon ang mga laruan nila, agad akong nag–angat ng tingin sa taas. Nakabukas ang pintuan ng kwarto ko pati na ang ilaw kaya sigurado akong naroon sila.
"Sisilipin ko lang sila," paalam ko kay Frank.
Agad naman siyang tumango. Kaya umakyat na ako.
Nang makarating sa taas ay bahagya akong sumilip at nakita ko roon si Erica na natutulog sa kama ko katabi ng dalawang kambal na mahimbing ring natutulog.
Agad akong napangiti. Pumasok ako at lumapit sakanila. Dahan–dahan kong binuhat si Xia at dahan–dahang nilipat sa kuna niya. Sinunod ko naman si Xion at dahan–dahan ring nilipat sa sarili niyang kuna.
Nagising si Erica pero sumenyas ako na 'wag mag–ingay. Agad ko siyang niyayang lumabas ng kwarto.
Nang makalabas kami ay sabay na kaming bumaba.
"Ate sorry po, pinapatulog ko po kasi ang dalawa kanina. Nakatulog rin po ako," tugon ni Erica.
"Ayos lang, walang problema. Alam kong napagod ka rin kakabantay sakanila. Pwede kang matulog ano mang oras kung natutulog rin ang dalawa," nakangiting tugon ko sakaniya.
"Salamat po ate," nakangiting dagdag niya.
"Nakakain na ba ang dalawa?"
Tumango siya.
"Ikaw kumain ka na ba?"
"Hindi pa nga po eh," napapahiyang sagot niya.
"Sumabay ka na sa amin," anyaya ko naman rito.
BINABASA MO ANG
MBS01: Hiding The Devil's Deal
Romance[COMPLETED] Started: 9/27/24 Finished: 11/16/24 Mirella Celeste Vitalle escapes an deal arranged by her parents with a wealthy, arrogant old man. Her parents want her to marry him to save their failing company, but she refuses and leaves home. One n...