SOMEONE'S POINT OF VIEW
Kasalukuyan akong nakaupo sa mahabang sofa habang lumalaklak ng alak ng walang ano–ano'y tumunog ang cellphone ko.
Nakita ko roon ang pangalan ni Dante kaya agad ko itong sinagot.
"Oh," sagot ko rito.
"Rocco.." humahangos na aniya sa kabilang linya.
"Anong problema?"
"T–tulungan mo kami..."
Agad akong napatayo.
"Anong nangyari?" Mabilis na tanong ko sakaniya.
"M–may tama kaming lahat. H–hindi ko alam p–pero kailangan na namin nang tulong ngayon, dahil ang iba sa mga tauhan natin ay nangingisay sa hindi ko malamang dahilan."
"Potangina! Nasaan kayo ngayon?!"
"Sa dating tagpuan," aniya.
"Sige, antayin niyo kami diyan."
Agad kong binaba ang tawag at dali–daling kinuha ang susi ng sasakyan. Agad akong nagdala ng iilang tauhan at pinasakay sila sa aming van.
Agad akong sumakay sa kotse ko at agad na pinaharurot 'yon papunta sa lugar kung saan kami dating tumatambay.
Kalahating oras bago namin narating ang lugar. Agad akong bumaba ng kotse at bahagyang nagulat sa nadatnan.
"Buhatin niyo sila, bilis!" Utos ko sa mga tauhan na agad ring sumunod at pinagbubuhat ang mga nakahandusay naming mga tauhan.
Agad akong lumapit kay Dante na ngayon ay namimilipit sa sakit na nakaupo sa lupa habang hawak–hawak ang duguang binti.
"Anong nangyari?" Tanong ko at agad siyang binuhat at dinala sa kotse ko.
Nakita ko pa ang dalawang kotse namin na butas na ang tig–aapat na gulong.
Kingina!
Nang masakay namin silang lahat ay agad naming nilisan ang lugar at dumiretso sa pinakamalapit na ospital.
Agad akong nagtawag ng doctor upang maagapan ang mga tauhan naming mga walang malay.
Agad silang tinignan ng mga doctor. Kami naman ay nag–antay lang sa labas.
Kakaibang inis at galit ang nararamdaman ko sa mga oras na ito. Hindi ko akalaing hindi basta–basta ang kalaban namin ngayon.
Ilang araw nang may humarang sa mga lakad namin, ilang araw ng hindi namin nasusundan ng maayos si Mr. Vitalle dahil umuuwing laging butas ang mga gulong ng aking mga tauhan.
Ngayon dapat ang araw na ihuhulog namin sa bitag ang tarantadong taong 'yon, pero hindi ko akalaing kami ang mahuhulog.
Hindi ko pa nakakaharap ang tarantadong 'yon dahil pinagpa–ubaya ko na lamang kila Dante ang lahat. Pero hindi ko akalaing hindi siya basta–basta patumbahin.
Nasabunot ko ang buhok at bahagyang sumipa sa pader.
Kingina! Sino ka ba? Bakit mo pinoprotektahan ang mga Vitalle?
Isang oras na ang nakalipas at lumabas ang isa sa mga doctor na nag–asikaso sa mga tauhan namin.
Agad akong lumapit sakaniya. "Kamusta sila Doc?"
"Ka ano–ano mo ang mga pas—"
"Sagutin mo na lang ang tanong ko! Kingina!" Sigaw ko sakaniya.
BINABASA MO ANG
MBS01: Hiding The Devil's Deal
Romance[COMPLETED] Started: 9/27/24 Finished: 11/16/24 Mirella Celeste Vitalle escapes an deal arranged by her parents with a wealthy, arrogant old man. Her parents want her to marry him to save their failing company, but she refuses and leaves home. One n...