FRANK'S POV
Kasalukuyan akong nagmamaneho pauwi kasama si Mirella na ngayon ay tulala lang na naka tingin sa daan.
Nasasaktan ako para sakaniya, masakit ito sakaniya dahil alam kong may nararamdaman na siya para kay Van.
Kutob ko pa lang kanina ay alam ko ng may hindi magandang mangyayari kapag sangkot si Morgana, that bitch.
Hindi ko maintindihan ang babaeng 'yon kung bakit ginagawa ang lahat mapaghiwalay lang ang dalawa, ganoon ba talaga siya ka desperada? Tipong hindi siya natatakot na baka may masaktan siyang damdamin?
Pangalawang beses niya nang ginawa ang pag frame up kay Mirella and this is no good at all, alam kung may kasunod pa ito dahil hindi siya matatahimik hangga't hindi niya nakukuha si Van.
And what happened to Van? Alam kong baliw na baliw siya sa kay Mirella pero bakit makikita naming magkatabi pa silang natutulog?
"Bakit nga ba hindi ko naisip na naroon naman kasi si Morgana para alagaan siya? Nagpunta pa ako.."
Nagulat ako ng biglang nagsalita si Mirella na kanina pa nanahimik.
Tumingin ako sakaniya, nakayuko lang siya habang nilalaro ang mga kamay.
Muli siyang nag–angat nang tingin sa harapan at nakikita ko ang pangingilid ng mga luha niya habang mapait na ngumiti.
Suminghap pa siya at pinunasan ang mga luhang tumulo sa kaniyang mga pisngi.
Hindi ako nagsalita, ang paningin ko ay nagpalipat–lipat lang sa daan at sa nasasaktang si Mirella.
Bahagya niya pang dinilaan ang pang–ibabang labi at muling yuyuko saka mapait na ngumiti.
This is so heartbreaking to see her like this.
Gusto kong isipin na nasasaktan siya dahil ako ang dahilan pero nakakatawang isipin na hindi para sa akin 'yon, pero narito ako nasa tabi niya habang nakikinig sa mga hikbi niya.
Nasasaktan ako dahil nasasaktan ka, pero mas masakit sa akin na nasasaktan ka, na ang dahilan ay ang taong mahal mo at hindi ako.
Muli siyang nag–angat nang tingin at dumiretso ito sa akin.
Nangingilid na mga luhang mapait siyang ngumiti sa akin.
"Salamat.." Huminga siya ng malalim at bahagyang tumango–tango. "Salamat kasi.. Sinamahan mo pa rin ako, kahit nagpumilit ako. Na sana ay hindi ko na lang ginawa.." bahagya siyang natawa.
Nagpakawala ako ng malalim na buntong hininga at muling tumingin sa daan.
"Hindi mo kailangang magpasalamat, dahil kahit hindi mo hilingin ay gagawin ko. Hangga't nakikita kong kagustuhan mo ay kusa kong gagawin," malungkot na tugon ko.
"I–I'm sorry Frank.."
"Para saan?"
"For everything.. Alam kong nasasaktan ka para sa akin, ramdam ko 'yon."
Mapait akong ngumiti at tumingin sakaniya, malungkot lang niyang sinalubong ang mga titig ko.
"Kapag nakikita kitang masaya, masaya na rin ako.." mapait muli akong ngumiti. "Kapag nakikita naman kitang nasasaktan.. Mas nasasaktan ako.."
Tumungo siya habang ang kaniyang mga luha ay patuloy sa pagtulo.
"Why can't we like back those who like us? And why do we prefer the person who doesn't like us?" Malungkot na tanong niya.
BINABASA MO ANG
MBS01: Hiding The Devil's Deal
Romance[COMPLETED] Started: 9/27/24 Finished: 11/16/24 Mirella Celeste Vitalle escapes an deal arranged by her parents with a wealthy, arrogant old man. Her parents want her to marry him to save their failing company, but she refuses and leaves home. One n...