CHAPTER 41

943 18 8
                                    

ELLA'S POV

Nang sinabi nang doctor iyon ay agad akong pumasok sa loob ng emergency room at nakita kong si Van ang tinutukoy niyang hindi naka-ligtas dahil gising si Frank habang patuloy na ginagamot ito, ang paningin niya ay naroon sa katapat na kama kung saan nakaratay si Van. Kaya agad ko iyong nilapitan at nakita ko kung paanong putlang-putla ang mukha niya.

"Van! Gumising ka!" Umiiyak na sigaw ko.

Pero hindi ito tumutugon kahit anong tapik ko sa mukha niya, kaya agad kong binuka ang labi niya at humigop ng hangin doon saka hinawakan ang dibdib niya at isinagawa ang komprisyon o ang pag-diin sa dibdib niya gamit ang dalawang palad ko. Nang hindi pa rin tumutugon ay muli kong inulit ang pag-higop nang hangin sa bibig niya at muling pag-diin sa dibdib niya.

Agad akong sinaway ng mga nurses na naroon at bahagya akong hinawakan pero agad ko silang hinawi at patuloy na ginagawa ang pag-diin sa dibdib ni Van kasabay ng walang tigil na pag-agos ng aking mga luha.

"Gumising ka! Papakasalan mo pa ako!" Umiiyak na sigaw ko.

Bigla ay narinig ko ang pagtunog ng Cardiac Monitor at nakitang bumalik ang mga guhit roon na kanina ay deretso lang.

Nanlaki ang mga mata ng mga nurses na tumitig sa monitor.

"Doc! Patient is Revived!" Agad sigaw ng isa sa mga nurses na naroon.

Nakita ko ang doctor na lumabas kanina na ngayon ay palapit sa gawi ng hinihigaan ni Van.

"Check for vital signs!" Aniya at tumingin sa akin saka ngumiti. "He will be okay, I'll asure you that." Aniya at sinenyasan ang isang nurse na samahan ako palabas.

Hindi na ako nagpumiglas pa at kusa nang naglakad, sumilip pa ako kay Frank na ngayon ay tulog na.

Napanatag ang loob ko knowing na maayos na ang lahat, alam kong magiging maayos na simula sa araw na ito ang pamumuhay namin at sana nga magiging maayos na ang lahat dahil nakakapagod tumira sa magulong mundo. Ayokong iparanas ang bagay na iyon sa mga anak ko, gusto kong lumaki silang masaya.

1 MONTH PASSED

"HAPPY BIRTHDAY!!" Sabay-sabay na bati namin sa dalawang anak ko na ngayon ay dalawang taon na.

"Make a wish baby!" Agad na utos ko sa dalawa.

Tuwang-tuwa naman silang pumikit at maya-maya pa ay sabay na hinipan ang kandila sa cake nila.

"Yehey!"

Agad akong lumapit at mahigpit silang niyakap saka pinaghahalikan ang mga noo nila.

"Happy birthday, my twins!" Nakangiting bati ko.

"Thank you, mommy!" Sabay na tugon nila.

"Aww! That's so sweet!" Naging tugon ni Morgana.

"Gusto mo rin ba ng gan'yan?" Nang-aasar na tanong ni Frank sakaniya.

Agad nandidiring tumingin si Morgana sakaniya. "Gosh! Duh! I like kids, but I don't ready yet to have one." Aniya at agad inirapan si Frank.

"Ang arte nito! Akala mo talaga maganda!" Agad na ismid ni Frank.

"Excuse me?!" Mataray na tanong ni Morgana.

Peke siyang nginitian ni Frank.

Napapa-iling na lang ako sakanila at agad tumingin kay Van na ngayon ay papalapit sa gawi namin habang may dalang mga paper bags at lumapit sa kambal na agad binuhat ang mga ito.

MBS01: Hiding The Devil's Deal Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon