FRANK'S POV
Ilang araw ko ng nakikita na tulala si Mirella at hindi ko 'yon pwedeng ipagsawalang bahala na lang. Alam kong may problema, nahihiya lang siyang magsabi sa akin at sigurado akong nag–aantay lang siyang mag tanong ako.
Kaya isang umaga habang kasalukuyan kaming kumakain ay napagdesisyunan kong kausapin at tanungin siya.
"What's been bothering you? Ilang araw na kitang nakikitang tulala," I seriously ask her.
"Nag–aalala kasi ako," nag–aalalang sagot niya.
"About what? Maybe I can help," muling tanong ko.
Agad siyang nag–angat nang tingin sa akin, sinalubong ko naman iyon ng seryosong tingin.
"Noong isang araw tumawag si daddy, may sumusunod raw sakaniya." Panimula niya.
May problema nga. Kaya agad kong binitawan ang hawak na mga kubyertos at marahang sumandal sa kinauupuan at sabay na pinagkrus ang mga braso.
Huminto naman siya at matamang pinagmamasdan ako.
"Continue," utos ko nang napansin kong hindi na siya muling nagsalita.
"Nag–aalala lang ako, dahil alam kong mga tauhan ang mga 'yon ni Don Salvador. Alam nilang kahinaan ko ang pamilya ko kaya gumagawa sila ng paraan. Sigurado akong pinasundan nila si daddy dahil alam nilang may alam ito kung nasaan ako," mahabang dagdag niya.
Kakaiba ring kumilos si Don Salvador, halatang desperadong makuha ang babaeng ito.
Bago mo magawa 'yon ay may makakaharap kang mas mabigat na kalaban. Isa na ako roon.
Gusto kong ngumisi sa naisip ko pero hindi ito akma sa sitwasyon ngayon.
"Ibigay mo sa akin ang address," naging tugon ko.
"Address saan?" Nagtataka namang tanong niya.
"Address ng bahay niyo," I seriously answered.
"Anong gagawin mo?"
Makipagbanggaan sa kalaban.
"Kagaya nang ginagawa ng kalaban. Magpapadala ako ng mga tauhan para mag–matyag. Papasundan ko rin sakanila ang daddy mo kung saan man niya naising magpunta," seryosong dagdag ko.
Ang kaninang nag–aalalang mukha niya ay biglang napawi. Agad siyang ngumiti at tumango.
"Salamat Frank, hindi ko talaga kakayanin ang lahat ng 'to kung wala ka." Nakangiting aniya.
Ngumiti rin ako sakaniya at kinuha ang kamay niyang nakapasok sa mesa.
"I'm doing this for you, because I cared so much about you. Hindi ko hahayaang mag–alala ka or ma–stress sa kahit anong bagay. Gusto kong masaya ka lang palagi," seryosong dagdag ko.
"Salamat ng marami Frank, hindi ko alam kung papaano kita masusuklian. Pero alam kong balang araw ay makakabawi rin ako sa'yo," nakangiting tugon niya at hinawakan rin ang kamay ko.
Kakaibang tensyon agad ang naramdaman ko, kakaibang kiliti.
Bahagya akong tumungo at kinagat ang pang–ibabang labi para pigilan ang namumuong kilig sa katawan.
Nang kumalma ay agad akong nag–angat nang tingin sakaniya at tumango saka bahagyang ngumiti.
"Hindi mo kailangang tapatan ang lahat ng ginawa ko sa'yo, hindi mo kailangang suklian dahil hindi ko iyon hinihingi sa'yo." Huminto ako at mariing tumitig sakaniya. "Ang gusto ko lang ay manatili ako diyan sa puso mo at hindi mabubura kailanman."
BINABASA MO ANG
MBS01: Hiding The Devil's Deal
Romance[COMPLETED] Started: 9/27/24 Finished: 11/16/24 Mirella Celeste Vitalle escapes an deal arranged by her parents with a wealthy, arrogant old man. Her parents want her to marry him to save their failing company, but she refuses and leaves home. One n...