CHAPTER 35

1.4K 23 6
                                    

ELLA'S POV

Kasalukuyan akong nasa sala at nakikipag kulitan sa kambal, ilang buwan na lang at mag dadalawang taon na sila.

"M–mommy.." tawag iyon ni Xia.

Agad ko naman siyang nilingon at nginitian. "Yes baby?"

"P–play!" Aniya at agad na inabot sa akin ang kaniyang mga laruan.

Ngumiti naman ako at inabot iyon saka nilingon si Xion na may sariling mundo habang nilalaro ang dalawang laruan niyang sasakyan na bahagyang pinagsasalubong iyon.

"Boogsh!" Aniya pa.

Bahagya akong natawa, dahil kahit hindi mo siya bigyan ng kalaro ay kaya niyang maglaro ng mag–isa.

"You okay there baby?" Tanong ko pa sakaniya.

Seryoso naman siyang tumingin sa akin at pinakita ang dalawang sasakyan niya.

"Bomb!" Aniya at pinagbangga ang dalawang sasakyan niyang laruan.

Nangunot naman ang noo ko sa sinabi niya.

"Mommy! Mommy!" Agad na kalabit ni Xia, kaya ito naman ang nilingon ko at nginitian.

"Don't you wanna play with your kuya Xion?" Malambing na tanong ko pa.

Tumaas naman agad ang nguso niya at paulit–ulit na umiling.

"H–he.. Downt play this.." aniya na pinakita ang mga pambabae niyang laruan.

Ngumiti ako at hinaplos ang pisngi niya.

Maya–maya pa ay nakangiting lumapit sa amin si Daddy, saka naupo sa tabi ni Xion.

"Hello mga apo," nakangiting bati niya sa dalawa.

Natawa na lamang ako no'ng hindi man lang siya pinansin ng mga ito at nanatili sila sa kanilang paglalaro.

"Hey, your Lolo is here. Say hello," bulong ko pa sa dalawa.

"Hello." Sabay at matamlay na bati nilang dalawa.

"Hahaha! Ayaw ata nilang maistorbo, iha." Natatawang tugon ni Daddy.

"Ewan ko ba sa dalawang ito Daddy, ito si Xion. May sariling mundo, ito naman si Xia pili lang ang pinapansin."

Muling natawa si Daddy. "Hahaha! Nakikita ko ang ugali ni Xion saiyo, noong ikaw pa lamang ay kasing edad nila. Ito namang si Xia, manang–mana sa kaniyang ama."

Matamis akong ngumiti habang pinagmamasdan sila.

"Simula noong magka–anak ka, ngayon ko lamang nakitang ngumiti ang iyong mga mata." Dagdag pa niya.

Nag–angat ako nang tingin sakaniya, hindi ko maintindihan kung bakit napakaaliwalas tignan ng mukha ni Daddy. Ang kaniyang mga ngiti ay walang kasing katulad, kahit ang kaniyang mga mata ay nakangiti rin. Masasabi kong kapag pinagmasdan mo siya ay mahahawa ka at mapapangiti na lang din.

"That's true Dad, simula noong nalaman kong buntis ako. Doon ako nakaramdam ng tunay na saya, napakasaya ng puso ko." Nakangiting tugon ko.

"At masaya akong nakikita kang masaya," nakangiting aniya.

Ngumiti ako ng matamis sakaniya. "You look glowing today Dad, ang tamis ng mga ngiti mo. Even your eyes are smiling."

Bahagya naman siyang natawa. "Of course, I am still on 40's iha." Mayabang na aniya.

MBS01: Hiding The Devil's Deal Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon