FRANK'S POV
Noong oras na nagpa–usok si Salvador, agad kong kinuha ang itinago kong dalawang mask at palihim iyong isinuot kay Van at Mirella.
Nang makita kong niloko nila si Mirella at inakyat ang kambal at ang daddy ni niya sa taas ay lihim ko itong sinundan.
Hindi ko kasi inaasahang nakuha nila ang kambal, lalong–lalo na ang daddy ni Mirella.
Nang masundan ko iyon ay agad kong siniko ang batok ng tauhan na nagkaladkad sa daddy ni Mirella patungong taas ng kwarto na agad ding nawalan ng malay kaya hinila ko ang katawan nito at basta na lang sinalampak sa kung saan.
Maya–maya pa ay sumunod ang isang tauhan at pwersahang hinila ang kambal, agad akong nagtago. Inantay ko itong makalabas ng kwarto bago ako lihim na pumasok doon.
Agad akong lumapit sa Daddy ni Mirella para kalagan sana ito pero agad siyang tumanggi at sinabing unahin ang kaniyang mga apo kaya agad ko iyong sinunod, pero hindi ko pa man nahawakan ang mga ito ay naramdaman ko na ang bagay na nakatutok sa batok ko.
"Tayo!" Agad na utos nito.
Naging pamilyar sa akin ang boses niya kaya agad akong tumayo at itinaas ang dalawang kamay, akma kong huhugutin ang baril ko pero naunahan niya ako.
"Labas! Kung ayaw mong maaga silang sumabog!" Sigaw niya.
Tumingin ako sa Daddy ni Mirella, mababasa mo sa mga mata niya ang paghingi ng tulong. Tulong hindi para sakaniya, kundi para sa mga apo niya.
Agad akong tumalikod at kaswal na naglakad palabas ng kwarto hanggang sa makababa, nanatili ang baril nito sa batok ko hanggang sa makalabas kami ng kuta ni Salvador.
Nang makalabas na kami ay agad nagtaka ang Don at ang nakakatandang kapatid ko sa naging posisyon namin ng tauhan na ito.
"Ano ang nangyayari?" Kunot noong tanong ni kuya.
Naramdaman ko naman ang pagkalas ng tauhan sa suot niyang mask.
"Dante?" Takang tawag naman ni kuya sa tauhang nakatutok ng baril sa akin. "Ano ang ginagawa mo?"
Hindi ko inaasahang si Dante pala ang ulupong na laging nakakaligtas sa mga kamay ko ang nasa likuran ko. Pwersahan niya namang tinanggal ang suot kong mask.
Agad nangunot ang noo ni kuya sa tumitig sa akin, lalo na ang Don.
"Nakita kong papakawalan niya ang mga bihag, pinatulog niya pa ang isa sa mga tauhan. Sinasabi ko na nga bang hindi mapagkakatiwalaan ang kapatid mo, Rocco!" Seryosong tugon ni Dante.
Seryosong tumingin ang kapatid ko, hindi ko naman sinalubong ang mga paningin niya at nag–iwas na lamang nang tingin.
Naramdaman ko naman agad ang paglapit ng Don sa gawi ko.
"Una pa lang ay wala na akong tiwala sa iyong gunggong ka!" Aniya.
Naramdaman ko ang paghugot niya ng kaniyang baril at deretsang itinutok iyon sa noo ko.
"Don.." agad na tawag ng aking kapatid.
Nilingon naman siya nito, habang ang baril niya ay nanatiling nakatutok sa noo ko.
"Bakit Rocco? Ililigtas mo ba ang traydor mong kapatid?" Sarkastikong tanong ng Don.
Hindi nakasagot ang aking kapatid, kaya nilipat ng Don ang kaniyang baril at itinutok iyon sa mismong noo ng aking nakakatandang kapatid.
Agad nagulat si kuya at bahagyang napapalunok na tumitig sa Don.
"Mamili ka, buhay mo o buhay ng traydor mong kapatid?"
BINABASA MO ANG
MBS01: Hiding The Devil's Deal
Romance[COMPLETED] Started: 9/27/24 Finished: 11/16/24 Mirella Celeste Vitalle escapes an deal arranged by her parents with a wealthy, arrogant old man. Her parents want her to marry him to save their failing company, but she refuses and leaves home. One n...