CHAPTER 40: Part 1

1K 17 7
                                    

ROCCO'S POV

Dalawang linggo na ang nakakalipas simula noong pinasabog ng Don ang kuta niya na halos umabot ng dalawang linggo na pinagluksaan ang nasama sa pagsabog na 'yon, kung saan naroon ang dalawang anak ni Van at ang ama ni Mirella. Ngunit nalaman naming nakaligtas ang mga anak ni Van at nagtaka pa kung paano nila iyon naligtas habang naiwan ang ama ni Mirella.

Matapos ang araw na iyon ay naging kalbaryo ang aming kinaharap at matinding pagtatago ang ginagawa, araw–araw ay nalalagasan kami ng tauhan kung saan namamatay ang mga ito at binabalik sa amin na putol–putol na ang parte ng mga katawan nila habang hindi na makilala dahil sa sobrang pagkasunog ng mga balat nga mga ito.

At ngayon ang pangalawang linggo kung saan naka–tanggap muli kami ng mga kahon at naroon ang mga hindi ka lunos–lunos na mga tauhan.

Hindi na iyon nagustuhan ng Don, lalo pa ngayon na sumabay ang pagka–lugi ng kaniyang mga negosyo. Kahit ang legal niyang kompanya ay bumagsak, na ngayon ay nasa pinakamababang uri ng kompanya sa bansa.

Kasalukuyan kaming nasa opisina ng Don at pare–parehong naka–tungo.

"Hindi na ako natutuwa! Mapapatay ko ang bastardong Vandrix na iyon!" Galit na sigaw niya.

"Sigurado po akong sa ganitong paraan po nila pinahahatid ang paghihiganti nila hanggang sa magpakita tayo sakanila," nakatungong naging tugon naman ni Dante.

Agad tumitig ng masama ang Don sa kawalan habang ang isang kamay ay may hawak ng isang baso na may lamang alak, agad niya iyong tinungga at basta na lang hinagis sa dingding ng opisina niya ang baso na siyang dahilan kung bakit bahagya kaming napa–iwas.

"Inubos niya lahat ng kayamanan ko! Nalugi na lahat ng negosyo ko! Ang mga buyer ko sa droga ay pinagloloko na lamang tayo at kinukuha ang mga droga na ang binabayad ay mga bato! Potang–ina!"

Agad siyang tumingin sa gawi namin. "Ubusin niyo na ang mga bastardong iyon! Kahit ang mga paslit na iyon na anak ni Vandrix ay patayin ninyo!" Galit na utos niya at tumingin sa akin. "Patayin mo na ang iyong kapatid, at gusto kong bumalik kayo rito na dala ang mga ulo nila. Lalong–lalo na si Vandrix."

"Masusunod Don," naging tugon ko.

"Huwag na huwag kayong babalik dito ng walang napapatay! Dahil pag nagkataon, kayo ang papatayin ko!" May awtoridad na dagdag niya. "Kumilos na kayo mga ulupong! At magsagawa na ng plano na siguradong hindi papalpak!"

Agad kaming lumabas sa silid ng Don, at dumiretso sa labas. Saka ko hinarap si Dante.

"Mamayang gabi ay pupuntahan nating muli ang mansyon ni Vandrix, ihanda mo lahat ng mga gamit at ating mga tauhan." Utos ko rito.

"Masusunod," agad na tangong sagot aniya.

"Patayin ninyo ang sino mang makikita ninyo at walang ititira na buhay," dagdag ko pa.

"Kahit ang kapatid mo pa?" Tanong niya pa.

Agad akong nag–iwas nang tingin at seryosong tumitig sa kawalan. "Kahit ang kapatid ko pa," dagdag ko.

Agad siyang tumango at pinuntahan ang mga tauhan saka kinausap ang mga ito.

Alam kong buhay si Frank dahil minsan ko pang naririnig ang kaniyang pangalan.

Kapatid kita pero traydor ka kaya simula ngayon kalaban na rin ang turing ko saiyo at kapag tayong dalawa ang nagharap, sisiguraduhin kong muli mong matitikman ang bala ko, na tatama mismo sa puso mo.

MBS01: Hiding The Devil's Deal Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon