ELLA'S POV
Kasalukuyan akong nasa isang lumang kwarto kung saan wala ng makikitang gamit at puro na lang alikabok ang makikita sa paligid, kumbaga naging bodega na iyon.
Ramdam ko pa rin sa dalawang pisngi ko ang hapdi na nagmula sa malakas na sampal ni Francis sa akin, kaya ko namang manlaban o kumawala rito sa silyang kina–uupuan ko dahil hindi naman mahigpit ang pagkakatali nila sa akin. Pero hindi p'wede dahil mahahalata naman ako.
Ang pagdukot sa akin ng dalawang tauhan ni Salvador ay planado, at nasa panig na sila ngayon ni Van. Sila ang naging mata at tenga ni Van kay Salvador. Kaya nalaman ni Van na paroroon sila Francis ay dahil din sakanila. Kaya nakipag tulungan ako sa kung anong maging plano nila para mahuli na si Salvador. Nung una ay hindi pumayag si Van dahil masiyadong delikado, pero nagpumilit ako at sinunod ang gusto ko na makatulong man lang sakanila.
Alam kong ano mang minuto ay paparito na sila Van at sigurado rin akong pinaghandaan din ito ni Salvador. Pinagdarasal ko na lang na sana ay matapos na ang lahat ng ito at mahuli na namin si Salvador upang matigil na ang mga kasamaan niya.
Daddy, please guide us. Tulungan mo sana kaming mapagtagumpayan ang lahat ng ito, hindi ko na kakayanin pang may mawala sa kanila.
Nanatili lang ako sa kinauupuan ko habang nag–aantay ng tyempo sa dalawang tauhan ni Van.
Kalahating oras ay bumukas ang pintuan, ang inaasahan ko ay ang dalawang tauhan pero nagulat ako nang makita si Morgana.
Agad siyang lumapit sa gawi ko, kaya agad kong kinalas ang mga lubid na itinali sa mga kamay at paa ko.
"Nasaan sila Van?" Bulong na tanong ko pa.
"Naroon na sa labas, halika na." Pabulong na sagot niya at agad hinawakan ang kamay ko.
Agad niyang binuksan ang pintuan pero agad kaming napa–atras pabalik nang makita si Francis na ngayon ay may hawak na baril na deretsong nakatutok ang iyon sa amin.
Agad hinarang ni Morgana ang dalawang braso sa akin at bahagya akong hinawi papunta sa likuran niya.
Nakangising tumingin sa amin si Francis habang tinatagalid ang kaniyang ulo.
"Saan kayo pupunta huh? Anong akala niyo makakata—"
Hindi niya natapos ang sasabihin ng biglang sipain ni Morgana ang kamay niyang may hawak na baril kaya nabitawan niya ito.
Nagulat siya sa ginagawang iyon ni Morgana na agad ding muling ngumisi. "Kaya kita nagustuhan eh."
Nakita ko pa kung paano nandiri si Morgana. "Mas may tiyansa pang magustuhan ko si Frank kaysa sa'yo," naging tugon naman niya.
Ang kaninang ngisi sa labi ni Francis ay unti–unting nabura at agad na nagsalubong ang dalawang kilay niya.
"Kung hindi ka lang din naman mapapa–saakin," inis na pagputol niya sa sinasabi at biglang naglabas ng mahabang kutsilyo. "Hindi ako papayag na may makikinabang saiyo!" Aniya na agad umamba.
Parehas kaming napa–atras ni Morgana.
"Kung ikaw na lang ang natitirang pagpipilian, mas pipiliin ko na lang na mamatay!" Agad na sigaw ni Morgana na umiiwas sa bawat atake sakaniya ni Francis.
Ako naman ay kinakabang napalayo sa gawi nila. "Morgana!"
Agad siyang tumingin sa akin, at agad naiwasan ang biglaang pag–atake sakaniya ni Frank.
BINABASA MO ANG
MBS01: Hiding The Devil's Deal
Romance[COMPLETED] Started: 9/27/24 Finished: 11/16/24 Mirella Celeste Vitalle escapes an deal arranged by her parents with a wealthy, arrogant old man. Her parents want her to marry him to save their failing company, but she refuses and leaves home. One n...