Chapter 35: Second Night

1.5K 37 0
                                    

Habang nagluluto ako ng noodles, dahil iyon lang naman ang alam ko ay hindi niya pa rin ako pinapansin.

Nasaktan ba siya sa mga sinabi ko?

Bakit?

Loving has different means.

Darating ang araw na mangyayari iyon.

Forever is given to chosen people only.

Nilipat ko na yung noodles sa isang malaking mangkok.

Nilapag ko sa lamesa, naglagay din ako ng 2 plato at 2 kutsara.

Hindi pa rin siya kumikibo.

Tinapik ko yung lamesa, "Sorry na." Bakit kahit anong gawin ko hindi ako lumalambing.

Try ko ulit, nakapatong yung kamay niya sa lamesa.

Hinawakan ko pero saglit lang. "Sweetie, sorry na. Wala naman akong balak na iwan ka."

Tama ba sinabi ko?

Binuhat niya yung mangkok at inilapag niya sa papel na sinulatan namin kanina. Galit nga siya.

"Walang sense to." Kumuha siya ng noodles at nilagay niya sa plato niya.

Kumuha na rin ako. "Sorry na. Sige na, may forever."

Sasandok palang ako nung bigla siyang tumawa.

Malakas. Naluluha na siya at nakahawak pa siya sa tiyan niya.

"Bakit wala ba?" Nagtataka kong tanong hindi ko kasi sure kung mali ba ako.

Huminto siya sa pagtawa. Nagseryoso na naman. "Meron, kapag kasama kita."

"Nice." Iyon lang nasabi ko pero dinagdagan ko dahil baka magtampo na naman siya. "May forever sa ating dalawa."

Ngumiti siya. Hindi na siya galit.

Natapos na rin kami sa pagkain. Pero yung ulan hindi pa rin ata natatapos.

Tumayo na ako. Tumayo rin siya.

"Tutulungan na kitang maghugas." Binuhat niya yung mga plato namin papunta sa lababo.

Pinipigalan ko siya kaya lang ayaw niya magpapigil.

Napahinto siya sa tapat ng lababo.
Tumakbo ako ng mabilis papunta sa kanya.

"Kailan ka huling naghugas?" Tanong niya.

Sinagot ko siya yung totoo. "Last week ata, inipon ko na kasi konti palang naman sayang sa ---"

Tinakpan niya yung bibig ko. "Ssshhh! Bakit kailangan mong maging ganito?" Dismayado na tono niya.

Nainis naman ako sa part na yon. "Bakit ayaw mo na sakin?"

Binasa niya na yung mga plato doon. "Hindi naman sweetie. Iniisip ko lang na baka kapag naging mag-asawa tayo bahayan ng insekto at ahas yung bahay natin." nagsasabon na siya. Tinulungan ko na siya.

"Ganon ba? Sige hindi nalang ako magpapakasal nakakahiya sa mapapang-asawa ko." Kinuskos ko yung kaldero.

Nilingon niya ako. "Hindi okay na pala. Kukuha nalang tayo ng katulong."

Natawa ako.

Pinahiran niya ng bula yung ilong ko.

Ginantihan ko rin siya.

Nagtawanan na kami.

Hinalikan niya ako sa labi, smack lang ba tawag don?

Nagulat ako. Napakapit ako sa lababo at medyo naninibago talaga ako pasensya.

The Sweetest Man Hater [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon